Facebook

P14K ipon ng apo naipanggatong ni lola

HUMINGI ng tulong ang isang netizen nang aksidenteng maipanggatong ng kanyang lola ang naipong tig-iisang libong piso na may kabuuang halagang P14,000.
Ibinahagi sa Facebook ng apo ni Lola Honorata Gahis, 95 anyos, naninirahan sa San Juan, Laur, Nueva Ecija, ang mga nasunog na rol-yong P1,000.
Aksidente raw na naitapon ng kanyang lola sa apoy ang mga bungkos ng pera nang magsaing ito.
Sabi ng apong si Sarah Lie Gahis de Guzman, ipinost niya ang mga nasunog na pera sa pag-asang mapa-litan ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
“Dahil po sa ‘di inaasa-hang pangyayari, naigatong po ang kanyang pera na P14,000 at sana po mai-lapit ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung pwede pa itong mapalitan dahil nagsasaing si Lola Honorata nang mga oras na nangyari po ‘yun,” ani De Guzman.

The post P14K ipon ng apo naipanggatong ni lola appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P14K ipon ng apo naipanggatong ni lola P14K ipon ng apo naipanggatong ni lola Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.