Facebook

3 Nigerians na tulak tiklo sa Pampanga

ARESTADO ang 3 Nigerians nang kumagat sa anti-drug operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Angeles at Angeles City Police Office sa Barangay Cutcut, Angeles, Pampanga nitong Huwebes.
Kinilala ang mga nadakip na sina Harrison Steve alias “Eke”, 43 anyos, buy and sell car dealer, ng Bgy. Mabiga, Mabalacat City, Pampanga; Christian Uwadiegwu alias “Chuk”, 27, student, ng Diamond Subdivision, Bgy. Balibago, Angeles City; at Caleb Njemonze alias “Caleb”, 28, businessman, ng Diamond Subdivision, Bgy. Balibago.
Ayon kay Brig. Gen. Valeriano De Leon, head ng Police Regional Office 3, pawang miyembro ng drug group na ‘Mr. Izo’ ang mga inaresto.
Ang nasabing grupo ang nasa likod ng pagbebenta ng iligal na droga at baril sa Angeles at mga karatig-lugar.
Nasamsam sa mga ito ang 11 sachets ng shabu na may bigat na 25 gramo na nagkakahalagang P170,000. (Mark Obleada)

The post 3 Nigerians na tulak tiklo sa Pampanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 Nigerians na tulak tiklo sa Pampanga 3 Nigerians na tulak tiklo sa Pampanga Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.