Facebook

RET. US AIR FORCE, MISIS NA PINAY HULI SA P2.2M INDOOR MARIJUANA FARM

NABISTO ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang indoor na taniman ng marijuana sa Taguig City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Raul Antonio Cisneros, 36 anyos, Spanish national, at retired US Air Force, taga Queens Village, New York, USA; at misis na si Meljie Maquiling, 28.
Sa report, 2:30 ng hapon nang madakip ang mga mag-asawa sa tinitirhan nila sa Unit 411 Kamala Building 4th Level, Royal Palm Residence Acacia Estates, Bgy. Ususan, Taguig City.
Sa ulat, nasamsam sa mag-asawa ang 137 paso ng marijuana na may estimated value na P2.2 mil-yon at nasa P95,000.00 halaga ng shabu sa loob ng kanilang kuwarto.
Nasamsam rin ng PDEA ang iba’t ibang apparatus na ginagamit ng may-ari para mapanatili ang tamang temperatura sa pagpapalago ng tanim nitong marijuana.
Ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pu-wersa ng PDEA at Regional Drug Enforcement Unit ng Rizal at Taguig-PNP.
Inilarawan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., na “high-tech” ang isinasagawang marijuana farming operation.
“Magugulat ka sa aparato. Kasi hindi pwede ilabas ang mga tanim dahil nga illegal ‘yong marijuana lalo na sa bansa natin. Kaya ang ginawa nilagay niya sa pot, paso and ang nagsilbing ilaw itong ultraviolet lights sa loob,” wika ni Danao.
Sinampahan ang mag-asawa ng kasong pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
(Gaynor Bonilla)

The post RET. US AIR FORCE, MISIS NA PINAY HULI SA P2.2M INDOOR MARIJUANA FARM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
RET. US AIR FORCE, MISIS NA PINAY HULI SA P2.2M INDOOR MARIJUANA FARM RET. US AIR FORCE, MISIS NA PINAY HULI SA P2.2M INDOOR MARIJUANA FARM Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.