Facebook

110th MALASAKIT CENTER INILUNSAD SA KIDAPAWAN CITY

Bahagi sa programang pangkalusugan na serbisyong dapat maipagkaloob sa sambayanan ay pinuri ni Senator and Chair of the Senate Committee on Health Christopher “Bong” Go ang pagkakagawa sa ika-110th Malasskit Center na personal nitong dinaluhan sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City, North Cotabato nitong Miyerkules (May 12).
“Hindi na ninyo kailangan pang pumila sa iba’t ibang opisina para humingi ng tulong mula sa gobyerno. Isinulong ko ang batas na ito para tulungan kayo. Sa ngayon, mayroon na tayong 110 Malasakit Centers sa buong bansa. Kaya lapitan niyo lang ito dahil para talaga sa inyo ‘yan,” pahayag ni Go na siyang may-akda ng ‘Malasakit Centers Act of 2019’.
Nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 noong December 2019. Ito ay naglalayon na ang lahat na mga government medical assistance program ay mapabilis na maipagkaloob ng kaukulang.mga ahensiya sa iisang lugar na kinabibilangan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at ang Philippine Charity Sweepstake Office.
“Isa sa ating ipinaglaban noon ay ang pagtatayo at pagsasabatas ng Malasakit Centers. Hindi natin inasahan noon na may ganitong krisis pangkalusugan na darating sa buhay natin. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa Diyos na ipinagkaloob sa atin ang programang ito para may matatakbuhan ang mga Pilipino upang makakuha ng tulong pampagamot sa mga panahong buhay at kalusugan na ang nakataya…, at bilang Chair ng Senate Committee on Health, sisiguraduhin natin na patuloy ang pagbubukas ng Malasakit Centers sa iba’t ibang parte ng bansa upang mailapit sa tao ang ginhawa ng serbisyong dapat nilang makuha,” pagpupunto ni Go.
Sa itinatakda ng batas, ang mga ospital na pinangangasiwaan ng DOH at ng Philippine General Hospital sa Manila ay kinakailangang magpatayo ng Malasakit Center Hospitals na pangangasiwaan ng local government units at ang iba pang public hospitals ay magpagawa rin ng kanilang sariling center na aayon sa standard para sa garantiya at sustine ng operations.
“Walang pinipili ang tulong mula sa Malasakit Center. Basta Pilipino hospitals ka, kwalipikado ka. Pera ninyo ito na ibinabalik sa inyo sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong pang-medikal,” saad ni Go.
Ang Cotabato Provincial Hospital ay ang 4th hospital sa Region 12 na nagbukas ng kanilang sariling Malasakit Center na karagdagan ito sa Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City, South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City at sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ng Isulan, Sultan Kudarat.
Sa naging talumpati ni Go sa naturang okasyon ay hinimok nito ang mga kinauukulang ahensiya na mapabilis ang COVID-19 vaccination program sa buong bansa upang ang mga miyembro ng priority groups ay mabakunahan na sa lalong madaling panahon.
“Nananawagan ako sa national government natin, bilisan ninyo ang pagbabakuna dahil nandiyan naman na ang stock, para hindi ma-expire at marami sa mga kapatid natin ang mabakunahan na. Maraming mga Pilipino na ang na-encourage kaya dapat makapagbakuna na sila,” saad ni Go.
Ipinunto ng naturang Senador na ang mabakunahan ay hinde lamang proteksiyon ng indibiduwal kundi makapagbabawas ito ng peligrong mahantong sa severe cases at pinaalalahanan din nito ang mga awtoridad na istriktong sundin ang government’s vaccination priority framework upang hinde maapektuhan ang vaccine drive.
“Huwag kayong matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19 dahil nakakamatay ito. Ang bakuna ang solusyon o susi natin para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay. Unti-unti naman nang dumadating ang mga bakuna pero limitado ang supplies dahil nag-uunahan ang mga bansa. Kaya sumunod tayo sa priority list para maayos nating mabakunahan ang mga medical frontliners, senior citizens at ang mga persons with comorbidities dahil sila talaga ang dapat na protektado,” pagpupunto ni Go.
“Pakiusap namin ni Presidente Rodrigo Duterte, magtiwala kayo sa ating gobyerno. Palagi niyang sinasabi, mahalin mo ang kapwa mo tao at hindi ka magkakamali. Kaya wala po kaming ibang hangarin kundi magserbisyo para sa ikabubuti ng bawat Pilipino,” paggigiit ng Senator.
Matapos ang seremonya ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks at faceshields ang grupo ni Go sa 267 frontliners at 175 patients. May mga piling frontliners ang binigyan ng mga bagong sapatos at mga bisekletang magagamit nila. Ang iba naman ay binigyan ng computer tablets bilang tulong sa school activities ng kanilang mga anak at ang representatives ng DSWD ay namahagi rin naman ng financial assistance sa mga benepisaryo.
Pinasalamatan ni Go sina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Gov. Nancy Catamco, 3rd Dist. Rep. Jose Tejada at Chief of Hospital Dr. Joel Sungcad sa naging pag-aasikaso upang mabigyan ng heallth services ang mamamayan ng Cotabato.

The post 110th MALASAKIT CENTER INILUNSAD SA KIDAPAWAN CITY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
110th MALASAKIT CENTER INILUNSAD SA KIDAPAWAN CITY 110th MALASAKIT CENTER INILUNSAD SA KIDAPAWAN CITY Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.