Facebook

Barangayanihan Para Sa Nasunugan

AGAD na nagsagawa ng Barangayanihan para sa nasunugan ang grupo ng Manila Chinese Action Team (MCAT)sa pamumuno ni Mr. Edwin Fan bilang pangulo kasama ang elemento ng Asuncion Police Community Precint, Dagupan Outpost at Station Community Affairs Development Section sa pangunguna ni Police Maj. Carlo Loñosa kasama si Police Senior Master Sargeant PSMS Gerardo B. Tubera, Dagupan Outpost Supervisor, Police Executive Master Sargeant Ronald Mediana at Police Executive Master Sargeant Arnelio Bantad, Station Executive Senior Police Officer sa ilalim ng liderato ni Police Lt. Col. Magno L. Gallora Jr., Station Commander.

Ang Barangayanihan para sa nasunugan ay ginawa sa Bgy. 25 at 26 ng Tondo, Manila noong Huwebes, Mayo 13, ganap na alas-4 ng hapon.

Layunin ng Barangayanihan ang matulungan ang lahat ng biktima ng sunog sa pagpapatupad ng operational guidelines and precautionary measures upang tiyaking ligtas ang publiko sa pagkalat ng COVID-19 habang isinasagawa ang event at upang mapanatili din ang peace and order.

Ang nasabing event ay itinaguyod ng Manila Chinese Action Team (MCAT)sa pamumuno ni Mr. Edwin Fan bilang pangulo.

The post Barangayanihan Para Sa Nasunugan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Barangayanihan Para Sa Nasunugan Barangayanihan Para Sa Nasunugan Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.