Facebook

Tiwaling DAR officials ilagak sa mga kulungan!

KASALUKUYANG mga nanunungkulan at dating mga nanunungkulan sa DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) na pinamayanihan ng katiwalian para sa mga pansariling interes ay dapat lamang kastiguhin at makulong ang mga ito upang ganap na makamit ang progreso sa sektor ng agrikultura.

Tulad na lamang sa pinaiimbestigahan ni DAR SECRETARY BROTHER JOHN CASTRICIONES sa mga naging opisyales ng DAR-CEBU noong taong 1987 na inimbak lamang ang mga CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARD (CLOA) na dapat ay naipagkaloob na sa mga benepisaryo.., subalit nito lamang Mayo 3 ng kasalukuyang taon nadiskubre ang mga inimbak na CLOAs sa DAR CEBU PROVINCIAL OFFICE.

Sa pansariling pananaw ng ARYA ay tiyak na may mga opisyal na kumita ng salapi mula sa kung sino mang mga “MAIIMPLUWENSIYANG GANID” upang huwag maipamahagi ang mga lupain at manatiling mga alipin na lamang ang mga pobreng magsasaka. .., na kahit hinde natin nakakausap ng personal si BRO CASTRICIONES ay nananalig akong isa sa mga aspetong ito ang hinahalukay ng kaniyang departamento upang papanagutin ang lahat ng mga naging magkakakutsaba sa sistema ng kurapsiyon. Hinde maaaring ikatuwiran ng mga opisyal o naging opisyal sa nasabing ahensiya na nakaligtaan lamang ang pamamahagi dahil kung ito ang ikakatuwiran ay lalong dapat na isadlak silang lahat sa kulungan.

Naipunto ni CASTRICIONES sa mga MEDIA na itatama ng kanilang ahensiya ang malaking pagkakamali ng mga opisyales na responsable sa inhustisyang natamo ng mga AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES (ARBs) dahil sa ipinagkait sa kanila ang pagkakataong magkaroon ng lupa na naaayon sa mandato.ng batas.

“Kung mapatunayan na ang kanilang nagawa ay dahil sa intensyong pagpapabaya, haharapin nila ang pagkakakulong at pagbabayad sa krimen na kanilang ginawa,” saad ng Kalihim.

Nitong Mayo 3 kasi ayi ibinunyag ni CASTRICIONES na nadiskubre ng kanilang ahensiya na may 2,007 land certificates, na binubuo ng 1,620 CLOAs at 387 Emancipation Patents (EPs), na mula pa noong 1987 ang nakatago at nakabinbin sa CEBU PROVINCIAL OFFICE.

Bunsod nito ay agad-agad na bumuo si Brother John ng Task Force Undistributed CLOAs at inatasan ang mga ito na magsagawa ng GROUND VALIDATION sa mga LANDHOLDING at alamin ang kalagayan ng mga ARBs at estado ng kanilang lupain.

Sa naturang kautusan ni DAR SECRETARY ay inihayag naman ni CENTRAL VISAYAS REGIONAL DIRECTOR RESTY OSIAS na ang DAR regional office ay agresibong nagba-validate ng mga hindi naipamahaging titulo ng lupa sa lalawigan ng Cebu upang maipamahagi ang mga ito sa lalong madaling panahon.

“Dinodoble namin ang pagtatrabaho upang matapos ang mga gawain at kung kakayanin namin ay ipamamahagi namin ang mga titulo araw-araw sa mga ARB, dahil matagal na dapat nilang natanggap ang mga ito,” ani OSIAS.

Sa kasalukuyan ay mayroon na umanong hindi hihigit sa 200 mga titulo ng lupa ang naipamahagi, kasama na ang pinakabagong naganap na pamamahagi sa Barangay San Fernando, Carcar at Sibonga nitong Miyerkules, Mayo 12, 2021.

Bukod sa pagpapaigting ng pamamahagi ng mga titulo ng lupa, ang DAR Region 7 ay bumuo din ng isang LEGAL TEAM upang matulungan ang mga benepisaryo na maunawaan ang RIGHT OF SUCCESSION kung sakaling namatay na ang tunay na benepisyaryo.

Tuluyan na sanang makamit ng mga ARBs ang pagkakaroon nila ng pag-aaring lupa…, na huwag matulad sa sinapit ng maraming mga ARBs sa HACIENDA LUISITA na ang mga ARBs ay ginipit naman ng ilang mga maiimpluwensiyang tiwaling personalidad.

PAGING BRO. CASTRICIONES.., ang dekadang panahon na pinagpoproblema ng mga magsasaka sa HACIENDA.LUISITA ay malutas ng inyong administrasyon.., tukuyin ang mga lupang ipinamahagi, kung ang mga nagmamantini ba ngayon ay yung mga legal na awardee o baka ang nagmamantini na ngayon ay yaong mga maiiimpluwensiyang personalidad?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Tiwaling DAR officials ilagak sa mga kulungan! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tiwaling DAR officials ilagak sa mga kulungan! Tiwaling DAR officials ilagak sa mga kulungan! Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.