Facebook

Sariling record sa dami ng nabakunahan sa isang araw, binura ng Maynila — Isko

MULING binura ng city government ng Manila ang sarili nitong record sa dami ng nabakunahan sa loob lamang ng isang araw.

Matatandaan na ang pinakamaraming bilang ng mga nagpabakuna sa sabayang mass inoculation ng lungsod ay naitala noong May 1, kung saan 13, 205 ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw.

Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na noong May 13, ang kabuuang bilang ng mga nagpabakuna sa mass inoculation program ng lungsod ay umabot sa 14,477 at ito ay dahil sa 14-hour operation sa 18 designated vaccination sites.

Pinasalamatan ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna, sa pagiging punong abala ng nasabing programa, gayundin si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan at ang lahat ng bumubuo ng vaccinating teams ng lungsod sa pagtatrabaho kahit pista opisyal na wala na sa oras ng kanilang trabaho para lamang makapagbakuna ng mas maraming indibidwal.

Pinakiusapan ni Moreno sina Lacuna, Pangan at ang kanilang teams upang mag-overtime makaaraang iutos niya ang pagsisimula ng mas maaga pagbabakuna sa oras na ala-6 ng umaga at nagtapos ng alas-8 ng gabi sa 18 vaccination sites kung saan 13,215 senior citizens ang nabigyan ng first dose ng Astra Zeneca vaccine.

Kasabay nito ay 222 medical frontliners naman ang binigyan ng first dose ng Pfizer vaccine sa pagbabakunang ginawa sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Director Dr. Grace Padilla. May 1,048 medical frontliners, senior citizens at indibidwal na may comorbidities na nasa edad 18 hanggang 59 ang nakatanggap ng kanilang first dose ng Astra Zeneca nitong March 16 at 18 at tumanggap na ng kanilang second dose sa Ospital ng Maynila sa ilalim ni Director Dr. Oliver Laqui.

Sinabi pa ni Moreno na maliban sa mga direktang may kaugnayan sa pagbabakuna, nararapat ding pasalamatan ang mga mga taong nagbigay ng kanilang tulong kabilang na ang mga tauhan ng MHD, city engineer’s office sa pamumuno ni Engr. Armand Andres, Manila Traffic and Parking Bureau sa ilalim ni Director Dennis Viaje, Manila Barangay Bureau sa pamumuno ni director Romeo Bagay, Liga ng mga Barangay sa pamumuno ni Lei Lacuna, gayundin ang city councilors, barangay chairmen, barangay kagawad at treasurers, sa kanilang pagtulong na mabakunahan ang mga senior citizens at sa pagdadala sa mga ito sa vaccination sites.

“Salamat sa mga tumulong, we broke our own record. So far pinakamalaki natin is nung May 1 na 13,205 vaccines deployed sa loob lamang ng isang araw,” pahayag ni Moreno.

Samantala itinuloy naman nitong Biyernes, May 14 ang sabayan pagtuturok ng first at second doses.

May kabuuang 1,800 medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities na nabigyan ng first dose ng Sinovac nitong April 15 ang naturukan ng second dose, habang sa 15 vaccination sites ay inaasahan naman na makakatanggap ng kanilang first dose ng Astra Zeneca ang may kabuuang bilang na 13,500 na indibwal na kabilang sa parehong kategorya.

Samantala inaasahan namang may 1,600 medical frontliners ang nakatakdang tumanggap ng kanilang first dose ng Pfizer. (ANDI GARCIA)

The post Sariling record sa dami ng nabakunahan sa isang araw, binura ng Maynila — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sariling record sa dami ng nabakunahan sa isang araw, binura ng Maynila — Isko Sariling record sa dami ng nabakunahan sa isang araw, binura ng Maynila — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.