Facebook

2 HOSTAGE TAKERS TIMBOG SA CALOOCAN CITY

ARESTADO ang dalawang lalaki nang i-hostage ang isang batang babae sa Barangay 32 sa Caloocan City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Angelo Bautista, 26 anyos, residente ng nasabing barangay; at John Lester Valdicantos, 30, nakatira sa Tondo, Maynila.

Ayon sa PNP-Caloocan, nakatanggap sila ng tawag4:30 ng hapon ng Sabado hinggil sa kaguluhan sa lugar.

Sa report, pinilit pumasok ni Bautista sa bahay ng biktima kungsaan nakarinig ang mga kapitbahay ng mga putok ng baril. Kaya tumawag sa pulisya ang mga residente.

Tumagal ng ilang oras ang pakikipagnegosasyon sa mga hostage taker na hostage ang isang batang babae.

Nakuha mula sa hostage takers ang isang baril na may apat na bala at isang magazine.

The post 2 HOSTAGE TAKERS TIMBOG SA CALOOCAN CITY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 HOSTAGE TAKERS TIMBOG SA CALOOCAN CITY 2 HOSTAGE TAKERS TIMBOG SA CALOOCAN CITY Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.