Facebook

Pulis patay sa pinaglaruang baril ng kabaro

Patay ang isang pulis nang paglaruan nito ang baril ng kanyang kabaro sa Quezon city nitong Linggo ng madaling araw .

Kinilala ang biktima na si Police Corporal Higinio Wayan, 31 anyos, nakatalaga sa Kamuning Police Station 10.

Sa ulat, 3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa 2nd street, Bitoon Circle Brgy Commonwealth Q.C.

Ayon sa report, kasama ni Wayan ang dalawa pang pulis na kanyang kaibigan na sina Corporal Sherwin Rebot at Corporal Harold Mendoza at isa pang sibil-yan na si Lorenzo Lappay habang nag-iinuman sa isang bahay sa nasabing lugar.

Pahayag ni Lappay kay Police Staff Sgt. Rolando Laddaran, imbestigador ng QCPD Station 6, nagtungo sa comfort room si Rebot at iniwanan nito sa ibabaw ng mesa ang Glock caliber 40 na service firearm nito.

Lumalabas na kinuha ni Wayan ang baril ni Rebot at itinutok nito sa kanyang dibdib saka kinalabit ang ga-tilyo sa pag-aakalang wala na itong bala.

Bago ang insidente, nagpagkasundo ang mga pulis na mag-unload ng kanilang magazine sa kanilang mga baril bago sila mag-iinuman.

Palaisipan pa rin sa mga imbestigador kung bakit baril ni Rebot ang napagdiskitahan ni Wayan para paglaruan samantalang nakasukbit pa sa bewang ang kanyang service firearm na isang .9mm beretta.

Pansamantalang ikinostudiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang dalawang pulis at si Lappay na itinuturing na “persons of interest” habang sinisiyasat pa ang mga pangyayari.(Boy Celario)

The post Pulis patay sa pinaglaruang baril ng kabaro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay sa pinaglaruang baril ng kabaro Pulis patay sa pinaglaruang baril ng kabaro Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.