Facebook

DTI aprub sa dagdag kapasidad sa mga restoran at personal care simula Hunyo 1

PINAYAGAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagdagdag ng kapasidad sa mga restaurant at personal care.

Simula Hunyo 1 ay magiging 40 percent na ang papayagang kapasidad sa mga personal care establishment.

Madadagdagan pa aniya ang mga ito kapag nakakuha ang establisyimento ng safety seal mula sa DTI.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez na gradual ang ginagawa nilang pagbubukas ng mga negosyo at kanilang mahigpit na oobserbahan ang mga ito kung sumusunod ang mga ito sa ipinapatupad health protocols.

Habang mula sa dating 10 percent ay magiging 30 percent ang papayagang makapasok sa mga restaurants. (Josephine Patricio)

The post DTI aprub sa dagdag kapasidad sa mga restoran at personal care simula Hunyo 1 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DTI aprub sa dagdag kapasidad sa mga restoran at personal care simula Hunyo 1 DTI aprub sa dagdag kapasidad sa mga restoran at personal care simula Hunyo 1 Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.