Facebook

Covid update: 7,058 bagong kaso; 6,852 gumaling; 139 nasawi

NAKAPAGTALA pa ang bansa ng 7,058 bagong kaso ng COVID-19 hanggang nitong Linggo ng hapon, Mayo 30, batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, umaabot na ngayon sa 1,223,627 ang cumulative total ng COVID-19 cases sa bansa.

Umaabot naman sa 53,757 o 4.4% ng naturang bilang ang aktibong kaso pa, kung saan 93.2% ang mild cases lamang, 2.3% ang asymptomatic, 1.4% ang kritikal, 1.8% ang severe at 1.28% ang moderate.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 6,852 na bagong gumaling sa sakit kaya’t umabot na sa 1,149,010 ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries sa bansa, na 93.9% ng accumulative cases.

Mayroon ding 139 na binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19, kaya’t umabot na ngayon sa 20,860 ang total COVID-19 deaths sa Pilipinas o 1.70%.

Ayon sa DOH, may 13 duplicates ang inalis nila sa total case count, kasama rito ang 8 recoveries at isang patay.

Mayroon din 80 kaso na unang iniulat ng DOH na recoveries ngunit malaunan ay natuklasang binawian na pala ng buhay, base sa pinal na balidasyon.

Kaugnay nito, iniulat din ng DOH na sa pinakahuling ulat ay operational na ang lahat ng laboratory nila noong Mayo 28, ngunit may apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 7,058 bagong kaso; 6,852 gumaling; 139 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 7,058 bagong kaso; 6,852 gumaling; 139 nasawi Covid update: 7,058 bagong kaso; 6,852 gumaling; 139 nasawi Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.