Facebook

Edad 40 pataas priority sa A4 Covid-19 vaccination

MGA nasa edad na 40 pataas na working adults ang magiging prayoridad ng pamahalaan sa gagawin nilang COVID-19 vaccination sa mga indibidwal na nasa ilalim ng A4 category ngayong Hunyo.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, minamadali na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 category groups habang naghahanda sila para sa pagbabakuna ng mga economic frontliners.

“Itong June na to, bibilisan ang A1 to A3, may special lane ho ‘yan. Hindi mawawala sa vaccination centers, [at] saka sa A4 dahan-dahan na. Lalo na 40 years old, uunahin sa mga working group. Mauuna ‘yung mas matanda. ‘Yung vulnerability kasi sa COVID-19 mas mataas sa matatanda,” ayon pa kay Vega, sa panayam sa radyo nitong Linggo.

Sinabi ni Vega na karamihan sa mga bakuna ay inilalaan nila sa mga itinuturing na high-risk areas, gaya ng NCR Plus bubble, na kinabibilangan ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, gayundin sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Cebu, Davao at Northern Mindanao.
Sinabi pa na mahigit sa 3,000 inoculation centers na ang itinayo sa bansa sa ngayon.

Inaasahan naman na sa sandaling makapagbukas na sila ng mas malalaking vaccination sites, ay mangangailangan pa sila ng mas maraming vaccinators.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinasimple nila ang A4 category at idinagdag na rin ang lahat ng government at private workers, informal sector workers, at yaong mga nagtatrabaho sa private households na kailangang pisikal na mag-report sa trabaho.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), aabot sa 35.5 milyong manggagawa ang target nilang mabakunahan laban sa COVID-19 sa ilalim ng naturang simplified A4 category o ang essential workers group. (Andi Garcia)

The post Edad 40 pataas priority sa A4 Covid-19 vaccination appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Edad 40 pataas priority sa A4 Covid-19 vaccination Edad 40 pataas priority sa A4 Covid-19 vaccination Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.