TIGIL-PASADA ang 20 drayber ng Commonwealth Transport Service Cooperative (CTSC), PUV Modernization project ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos hulihin, tikitan at i-impound ng mga traffic enforcer sa Montalban Rizal.
Ayon sa reklamo ni CTSC General Manager Dhelta Bernardo, may isinumite na silang ‘Received Application for Extension of Validity’ na may resibo mula sa Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB). Pero binasura ito ni Montalban Traffic Management Development Office (MTMDO) chief, Charlie Boy Labez.
Iginiit umano ni Labez na expired na ang kanilang RAEV. Ngunit ayon kay Bernardo, sa rule ng LTFRB kapag ‘good as approved’ ang na-file na application for extension of validity ay pinapayagan silang bumiyahe.
Ngunit, inakusahan umano sila ni Labez na colorum ang kanilang kooperatiba na may rutang Montalban-Litex.
Dahil dito, tiniketan ang marami sa driver at ang iba ay na-impound ang PUV- modernization project ni Pangulong Duterte.
Kasabay nito, nagpapasaklolo sila sa LTFRB at DOTr na imbestigahan ito kaugnay sa hindi pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa proyekto ng gobyerno.
Paniwala ng mga drayber ng kooperatiba, ginigipit sila ni Labez at ng lokal na pamahalaan.
Mula anila nang mabili nila ang pribadong lupa na ginawa nilang terminal at garahe sa Bgy. San Isidro ay ipinatigil na ang kanilang operasyon.
Reklamo ng mga drayber, saan sila kukuha ng gastusin para sa pamilya ngayong panahon ng pandemya?
The post 20 Drayber ng PUV Modernization ni Du30 arestado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: