
NAGPAKAMATAY ang isang mister na nakipagtalo, nanghostage, nanaga at nanunog ng bahay sa 6th Road, Macapagal Extension, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Aliya Joy Yap, 20, student; Jehanna Yap Alcaraz, misis ng salarin, 32, government employee; Aliw Yap, 54, government employee; at Manuel Juanday Yap, 72, retired gov’t employee, mga residente ng nasabing lugar.
Habang ang salarin ay kinilalang si Cristopher Roales Alcaraz, 44, ng 6th road, Macapagal Extension, Mother Barangay Rosary Heights.
Sa report, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawang Alcaraz na humantong sa pananaksak ng mister sa mga biktima gamit ang 12 inches na kutsilyo. Nang dumating ang mga otoridad agad na hinostage ni Cristopher ang kaniyang 2-anyos at 8- anyos na mga anak.
Pinakawalan din naman niya ang mga hostage sa pamamagitan ng negosasyon ng lola na si Maria Teresa Alcaraz.
Bandang 5:00 ng umaga nagtangka sunugin ni Cristopher ang kanilang bahay, at nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang carbine rifle, patay.
Nasa mabuti nang kalagayan ngayon ang dalawang batang hinostage, at ang apat na mga sugatan.
Narekober sa crime scene ang ginamit na baril at duguang kutsilyo na ginamit ni Cristopher sa pananaga.
The post Mister nakipagtalo kay misis, hinostage 2 anak, nanaga at nanunog ng bahay bago nagbaril sa sarili appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: