Facebook

Tauhan ng Taguig LGU kulong sa kotong

DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang empleyado ng Local Building Office (LBO) ng Taguig City sa pangingikil.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC), Director Eric B. Distor, ang inaresto na si Sandy Frias na nabingwit sa entrapment operation ng Technical Intelligence Division ng NBI.

Ayon kay Distor, inireklamo si Frias ng isang nag-apply ng Building Permit o Certificate of Occupancy noong Enero sa LBO ng Taguig City.

Nagbayad umano ang biktima ng P108,743.60 at inisyuhan ng official receipt bilang kabayaran sa Certificate of Occupancy at Certificate of Electrical Inspection.

Nang hingin ng complainant ang certificates, sinabi ni Frias na ibibigay lamang ang certificates kapag nagbigay ng P800,000.00.

Nakiusap ang complainant na babaan, kaya umabot na lamang sa P400,000.00 na dapat direktang ibabayad kay Frias.

Gayunman, natapos ang tatlong buwan ay hindi parin ibinibigay ni Frias ang hinihinging sertipiko ng complainant, dahilan para humingi siya ng tulong sa NBI na nagresulta ng pagkakaaresto sa una. (Jocelyn Domenden)

The post Tauhan ng Taguig LGU kulong sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tauhan ng Taguig LGU kulong sa kotong Tauhan ng Taguig LGU kulong sa kotong Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.