Facebook

Pagbaril ng pulis sa ‘special child’ sa tupada sa Valenzuela City “walang agawan ng baril”

HINDI nang-agaw ng baril ang napatay na si Edwin Arnigo, ayon sa isang nakasaksi sa pangyayari sa raid sa tupadahan sa Valenzuela City noong Linggo, Mayo 23 ng taon.

Salungat ito sa sinabi ng pulis na nang-agaw ng baril ang 18-anyos na biktima na may “special needs” at sakit na “autism”.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian nitong Huwebes, ang saksi na hindi na pinangalanan ay hinuli rin noong Linggo nang arestuhin at mabaril si Arnigo.

Sa kanyang tweet, sinabi ng alkalde na: “In short, he said there was no scuffle between the victim and the policeman. No agawan ng baril.”

Ang insidente ay hindi nangyari sa “tupada” site ngunit may ilang metro ang layo roon, ayon pa sa tweet ni Mayor Gatchalian.

Ganunpaman, naniniwala ang saksi na aksidente ang pagkabaril kay Arnigo.

“He is very adamant in saying that though the account he saw is different from the account of the policemen involved. He knows it was accidental [because] he saw the reaction of the officer after the shooting,” ani Gatchalian.

Una nang sinabi ng hepe ng Valenzuela Police na si Col. Ramchrisen Haveria Jr. na ayon sa sinasabing nakabaril kay Arnigo na si Senior Master Sergeant Christopher Salcedo, hati ang atensyon niya nang maganap ang insidente.

Nitong nakaraang Martes, pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Human Rights (CHR) sa imbestigasyon sa kaso ni Arnigo.

Nagpulong na ang mga tauhan ng NBI at mga kapamilya ng nasawi.

Pinuntahan din ang NBI sa lugar ng insidente at kasamang nag-imbestiga ang mga kinatawan ng CHR.

The post Pagbaril ng pulis sa ‘special child’ sa tupada sa Valenzuela City “walang agawan ng baril” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbaril ng pulis sa ‘special child’ sa tupada sa Valenzuela City “walang agawan ng baril” Pagbaril ng pulis sa ‘special child’ sa tupada sa Valenzuela City “walang agawan ng baril” Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.