Facebook

LAGUNA TMO CHIEF TIMBOG SA PANGINGIKIL

LAGUNA – Timbog sa entrapment operation ng mga kagawad ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang nakatalagang opisyal ng Laguna Traffic Management Office (LTMO) sa National Hi-Way, Barangay Calo, Bay, Laguna.

Sa ulat ni LFU IMEG chief, Police Colonel Jeff Fanged, ang dinakip na si retired Police Staff Sergeant Marino Garcia, hepe ng LTMO at residente ng Calamba City.

Sa imbestigasyon, 5:20 ng hapon ng Huwebes nang magkasa ng entrapment operation ang pulisya sa lugar kaugnay ng umano’y iligal na transaksiyon ni Garcia.

Sinasabing isa tsuper ng dump truck ang pinahinto ni Garcia at sapilitang hinihingan niya ng P5 libo bilang penalty sa ipinapataw nitong violations.

Hinahanapan ni Garcia ng updated Delivery Receipt (DR) ang truck sa kargamento nito mula sa isang quarry sa Batangas kungsaan may pinanghahawakan naman ito.

Naaresto si Garcia sa lugar habang isinasagawa ang pangingikil.

Bukod dito, dalawa pang naunang nabiktima ni Garcia na nakilalang sina Russel Petrache ng Len Benedick Trucking ng Bgy. Sulib, Pangil, Laguna; at Mark Darwin Ortilla, operation manager ng John Benedict Trucking; ang personal na humingi ng tulong sa LFU IMEG dahil din sa pangingikil ng LTMO official.

Sa report, humihingi ng halagang P10 libong lingguhang ‘payola’ si Garcia para sa kanilang passes sa pagbiyahe ng kanilang mga truck sa araw araw. Bukod pa dito ang P40 libong payola para sa ‘Checkpoints Freely Pass’ na hinihingi nito sa mga operator ng trucking sa Laguna kabilang ang hinihinging penalty na P5 libo na walang official receipt mula sa Pamahalaang Panlalalawigan ng Laguna.

Narekober kay Garcia ang P40,200, kabilang ang ginamit na ‘boodle money’ na P5 libo at mga identification card.

Kasalukuyang nakapiit si Garcia sa LFU IMEG HQ nahaharap sa kasong Robbery Extortion. (Dick Garay)

The post LAGUNA TMO CHIEF TIMBOG SA PANGINGIKIL appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LAGUNA TMO CHIEF TIMBOG SA PANGINGIKIL LAGUNA TMO CHIEF TIMBOG SA PANGINGIKIL Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.