CAMP VICENTE LIM – Nasawi ang tatlong hinihilang miyembro ng New People’s Army nang manlaban umano sa mga operatiba ng pulisya na magsisilbi sana ng ‘Warrant of Arrest’ sa Barangay Macabling, Sta Rosa City, Laguna nitong Biyernes ng madaling araw.
Sa ulat ni PRO4A Calabarzon Regional Director, BGen. Eliseo Cruz, nakilala ang mga napatay na sina Rommel Riza alyas “Ka Jomar” at ”Bernie”, alias Ka Blu, at alyas Ka Dens.
Si Riza ay tumatayong commanding officer umano ng Regional Special Operations Group (RSOG) Sub-Regional Military Area (SRMA) ng CPP-NPA sa Calabarzon at may standing warrant of arrest sa mga kasong murder at kidnapping with murder.
Nangyari ang operasyon ng pulisya 1:45 ng madaling araw sa umano’y hide-out ng nina Riza.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre .45 baril, isang M16 armalite rifle, magazines at mga bala.
(Dick Garay)
The post 3 ‘NPA’ NANLABAN SA ARREST WARRANT BULAGTA! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: