Facebook

Pulis pinatay si misis bago nagpakamatay

PINASLANG ng isang pulis ang kanyang misis nang mag-away sa loob ng inuupahang boarding house sa Nueva Steet, Barangay Taft, Surigao City, Huwebes nga gabi.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Glenn Sampaga, hepe ng Surigao City Police Station, kinilala ang misis na si Marifel Rebuera, 33 anyos; samantalang ang mister na responsable sa krimen ay si Master Sergeant Jesriel Rebuera, 37, kasalukuyang nakata-laga sa Surigao City Police Station.
Sa ulat, ayon sa salaysay ng mga kapitbahay ng mag-asawang Rebuera, ilang araw na nilang naririnig na nag-aaway ang dalawa hanggang sa naganap ang krimen.
Ayon sa report, nasaksihan ng anak na lalaki ng mag-asawa ang mga pangyayari, nang binaril ng kanyang ama ang kanyang ina. At nagbaril din sa sarili ang ama.
Tatlong anak ang inabandona ng mag-asawa.

The post Pulis pinatay si misis bago nagpakamatay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis pinatay si misis bago nagpakamatay Pulis pinatay si misis bago nagpakamatay Reviewed by misfitgympal on Mayo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.