Facebook

9,243 ecstacy tablets nasamsam sa Post Office, 2 arestado

INABANGAN ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kukuha sa Central Post Office sa Quezon City sa tatlong kahon na nadiskubreng naglalaman ng libo-libong ecstacy tablets mula sa The Netherlands.
Hindi naman nabigo ang PDEA at naaresto sina Rowena Evangelio; ang kinatawan ng consignee na si Glorie Joy Buzeta, ng West Kamias, Quezon City; at rider na si Michael de Guzman ng Pasig City.
Ayon kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, idineklara na baby clothes, handbags at sapatos ang laman ng tatlong kahon, na ipinadala ng isang Abner Buzeta mula sa Amsterdam.
Ngunit nang busisiin ang mga kahon, naglalaman ito ng 9,243 ecstacy tablets na tinatayang nagkakahalaga ng higit P15.71 milyon.
Iniimbestigahan pa kung may nalalaman talaga sina Evangelio at de Guzman sa drug shipment.(Boy Celario)

The post 9,243 ecstacy tablets nasamsam sa Post Office, 2 arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
9,243 ecstacy tablets nasamsam sa Post Office, 2 arestado 9,243 ecstacy tablets nasamsam sa Post Office, 2 arestado Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.