Facebook

ASG timbog sa Taguig

NATIMBOG ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Counter-Terrorism Division (NBI-CTD) ang isang miyembro ng kilabot na Abu Sayaff Group (ASG) sa Maharlika Village, Taguig City.
Kinilala ang nadakip na si Wahab Jamal Sabirani alyas Ustadz Usamn Halipa na naaresto sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court ng Basilan dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.
Sinabi ni NBI Officer-in-Charge (OIC)- Director Eric B. Distor na ang pagkakaaresto ng suspek ay base sa impormasyon na kanilang natanggap noong Abril na isang ASG member ang namataan sa nasabing lugar.
Sa ngayon, nasa 27 ASG members na ang naaresto ng NBI simula 2018. (Jocelyn Domenden/Boy Celario)

The post ASG timbog sa Taguig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ASG timbog sa Taguig ASG timbog sa Taguig Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.