DAHIL sa matagal ng programa ng repormang agraryo ng Department of Agrarian Reform (DAR) na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) umano ang grupo ng mga magsasaka sa naturang programa dahil matagal ng nailibing umano ang naturang programa makaraang magtapos ito noong 2014.
Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) national President Danilo Ramos napapanahon na umano para isabatas ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na maaaring makasagot sa problema ng land reform program sa bansa.
Sa email message at telephone interbyu sinabi ni Ramos na hindi ang panukalang CARP phase 2 umano ang solusyon sa daan taong ng suliranin ng magbubukid sa kawalan ng lupa at hindi rin umano ang SPLIT program ng DAR.
Ayon sa KMP maituturing na ang CARP ang siyang pinaka magastos na programa na inilunsad ng DAR sa ilalim ng repormang agraryo na magpasakasalukuyan ay ipinaglalaban pa rin ng mga magsasaka ang tunay na repormang agraryo.
Sinabi pa ng lider ng mga magsasaka ang PD No. 27 Land Reform Program ng administrasyon ni dating Pangulong Marcos at CARP/CARPER ay matagal ng inilibing matapos magtapos ito na kontra magsasakang programa.
Kaugnay nito samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng DAR hinggil sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa isang text message at pm message sinabi ng OIC director ng Public Assistance and Media Relation Service (PAMRS) na si Director Rosemarie S. Lomibao, dahil sa RA 9700 kaya until now meron pa pong CARP, Section 30 of RA 9700 or CARPER law states that in cases on the matter which are still pending” shall be allowed to proceed to its finality and be executerd even beyond such date”.(Boy Celario)
The post KMP dismayado sa programa na CARP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: