Facebook

Higit P4.4m marijuana nadiskubre sa Cebu

PINAGBUBUNOT mula sa taniman ang nasa 11,200 puno ng marijuana na nadiskubre sa kabundukan sa Cebu City nitong Lunes.
May lawak na 800 square meters ang plantation na pinuntahan ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency sa Sitio Sampinitan, Barangay Tagba-o.
Tinatayang nasa P4.48 milyon ang halaga ng mga nadiskubreng fully grown marijuana plants.
Ayon sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cebu Police, kinumpirma ng isa nilang impormante ang pagtatanim ng mga pinagbabawal na halaman sa lugar.
Sa joint eradication operation na pinangunahan ng SWAT-PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 7 kasama ang PDEA Regional Office 7, sinira narin sa lugar ang mga puno ng marijuana matapos imbentaryuhin.
Sabi ng pulis, sinunog sa site ang mga puno ng marijuana dahil sa hirap na ibaba pa ang mga ito. Nagdala nalang sila ng ilang sample para sa laboratory examination.
Hindi naman naabutan ang tinuturong nagtanim ng mga ito na si Boy Ardimer na hinahanap ngayon ng pulisya at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post Higit P4.4m marijuana nadiskubre sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit P4.4m marijuana nadiskubre sa Cebu Higit P4.4m marijuana nadiskubre sa Cebu Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.