SARADO parin sa publiko ang Baseco beach sa Maynila.
Ayon kay Police Lt. Philip Fontecha, Police Community Precinct 13 commander, bawal pang maligo ang mga residente sa naturang beach kahit summer na.
Hangga’t wala aniyang utos si Manila Mayot Isko Moreno, mananatiling bawal ang paliligo sa Baseco beach.
Gayunman, sinabi ni Fontecha na pinapayagan naman ng kanilang hanay ang mga residente na mag-jogging o walking sa baybaying dagat sa umaga at hapon.
May mga pagkakataon, aniya, na may mga bata ang hindi maiwasan na maglublob sa dagat dahil sa mainit na panahon.
May ilang residente narin ang nahuli dahil naligo sa Baseco beach.
Dinadala aniya sa presinto ang mga nahuhuli, pinapangaralan lang at pinapakawalan din. (Jocelyn Domenden)
The post Baseco beach ‘no swimming zone’ pa! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: