MATATAPOS na ang NBA regular season sa Mayo 16, pero sa kabila nito ay hindi pa malinaw kung sino ang uupo sa No.1 spot sa Eastern at Western Conference.
Sa ngayon sa Eastern Conference nag-aagawan pa rin ang Philadelphia 76ers (44-21), Brooklyn Nets (43-22) at Milwaukee Bucks (40-24).
Habang sa Western Conference nag-aagawan sa No. 1 spot ang Phoenix Suns (46-18) at ang Utah Jazz (47-18).
Kahapon ay angat ang Suns pero nitong araw nabawi na naman ito ng Jazz nang manalo sa Spurs.
Samantala, kabilang din sa inaabangan ay ang sitwasyon ng NBA defending champion na Los Angeles Lakers (37-28).
maging ang ilang players ay kabado rin na hindi makahabol sa playoffs sa top six teams at sa halip ay mapunta sila sa tinatawag na “play-in tournament.”
Ang ibig sabihin ng play-in tournament, ang number 7 teams hanggang number 10 ay maglalaban laban pa kung sino ang papasok na dalawang huling teams para makompleto ang walong playoffs teams.
Sa huling dalawang linggo ay malalaman din kung mananatili sa kanilang playoff spots ang Washington Wizards (30-35), Golden State Warriors (33-32), San Antonio Spurs (31-33) at New York Knicks (37-28).
The post Agawan sa No. 1 spots appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: