PUNTIRYA ng Limang Filipino rowers ang makadagit ng spots sa Olympic Games sa 2021 World Rowing Asia— Oceania Olympic Qualification Regatta sa Tokyo, Japan na nagsimula kahapon.
Ang Filipino rowers ay lalahok sa tatlong events.
Cris Nievarez ay sasabak sa men’s single sculls,habang si Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco ay sa lightweight women’s double sculls,Zurial Sumintac at Roque Abala ay kakasa sa lightweight men’s double sculls.
Ang qualifiers ay tatakbo hanggang Mayo 7.
“Hindi man naging madali ang preparations, motivated ang mga athletes natin, ”Wika ni rowing coach Edgardo Maerina, Ang unang Filipino na sumabak sa Olympic rowing sa 1988.
Ang rowing team’s hotel accomodations, allowance, at airfare na nagkahalag ng P1.4 million ay sagot ng Philippine Sports Commission.
Kasama dito ang dagdag suporta para sa RT—PCR test bago pumasok sa Tokyo, at accomodation assistance pabalik sa bansa.
Isang Olympic ticket lang ang inalok sa men’s at women’s single sculls, habang dalawang tickets ang nakataya sa lightweight men’s at women’s double sculls.
The post Pinoy rowers sasabak sa Japan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: