Facebook

PBA, NASA WAITING STATUS PA RIN

KASALUKUYAN pa ring nangangapa ang pamunuan ng PHIIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) sa tatakbuhin ng liga ngayong hirit pa ang pandemya lampas na sa isang taon.

Target ng pro league na makapagbukas ang liga last weekng June o entrada ng July pero depende kung masisimulan na ang team practice ngayong Mayo. Posibleng practice venues ang Batangas CityColiseum at Batangas State University Gym. Interesado rito ang SAN MIGUEL at GINEBRA pati iba pang teams dahil kapit-lugar ng National Capital Region (NCR).

Posible ring practice venue ang Laoag, Ilocos Nortewith Gov. MATTHEW MANOTOC na unang nag-alok maging host ng PBAPhilippine Cup Bubble for Season 46 sakaling payag ang leaguemanagement. Dating venue na ito ng PBA All Star editions.

Maaalalang umayaw na sa bubble set-up ang PBA hindi langdahil nasa Php17M ang gastos, sobrang mahirap para sa lahat ng bumubuo ng liga partikular sa players, officials, coaches, staff at crews na kailangang magtiis malayo sa pamilya at pumirmi sa venue dahil sa pandemya. Kung masusunod ang target na 2-Conference ngayong Season 46, mas mahirap ang bubble kaya tiyak na atubili ang kampo ni CommssionerWILLY MARCIAL.

Sa mga nag-aalala na nakatengga ang players, mas mabutirin dahil mas may quality time sila sa pamilya, tuloy naman ang sweldobasta may kontrata, for all we know. Yun lang naman so far, angmalinaw na magandang anggulo sa pandemic period, family bonding.

KANYA-KANYANG DISKARTE
sa SPORTS COMMUNITY

DAHIL na rin sa patuloy na pandemya, kanya-kanyang diskarte muna ang iba-ibang parte at followers ng Sports community. Sports programs via virtual shows, onine publishing, Facebook live, You Tube at iba pang social media activities, yan po ang diskarteng Pinoy.

Tuloy ang contact, buhay-sports sa “new normal” na kinaiinipan ang sitwasyong balik-normal na normal. Behind all these, tutok sa panalangin ang sambayanan, GOD is above everything!

HINDI pala gaanong apektado ng pandemya ang mga taga-probinsya dahil napakababa ng tsansa ng COVID. Mas aktibo sa provinces ang mga atleta. Masaya si PATRICK JAN CABAHUG sa tuluy-tuloy na basketball career. Kahit pansamantalang nahinto ang pinagkabisihang MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) ni boxing icon-turned senator MANNY PACQUIAO, hirit siya sa iba-ibang liga. Kapapanalo ng 10-0 championship sa PUMA PH 10ACT Sports, Player of the Game siya mwith 22 pts, 3 rebs, 5/11 3 points, bannering Chookstogovismin.Congrats!

CHEERS OF MAY

MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY to MAY ROSE SANTOSALEJO of Arellano University and MA. TERESA LOGDAT of MandaluyongCity May you both be showered with the best blessings. HAPPYREADING!

The post PBA, NASA WAITING STATUS PA RIN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PBA, NASA WAITING STATUS PA RIN PBA, NASA WAITING STATUS PA RIN Reviewed by misfitgympal on Mayo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.