NADISMAYA ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa mga nadiskubreng aabot sa 2,007 certificated of land ownership award (CLOAs) na hindi naipamahagi sa mga magsasakang benipisaryo ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lalawigan ng Cebu.
Sinabi ni KMP national President Danilo Ramos lubhang nakakalungkot ang pagkakadiskubre ng mga naturang titulo ng lupang sakahan na sinadyang hindi ipamigay sa mga magsasaka (certificate ofland ownership award).
Nabatid sa email message at telephone interbyu kay Ramos sinabi nitong itinago lang sa opisina ng DAR ang Eps/CLOAs (Emancipation patents) at Certificate of Land Owenership Award sa loob ng 33-taon simula 1987 hanggang 2020.
Ayon pa sa lider ng magsasaka na ang PD No. 27 Land Reform Program ng administrasyon ni dating Pangulong Marcos at CARP/CARPER ay matagal ng inilibing matapos magtapos ito na kontra magsasakang programa.
Idinagdag pa ni Ramos na dapat may managot na matataas na opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa naturang insidente dahil sa Command Responsibility.
Kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga opisyal ng DAR hinggil sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) subalit hindi sumasagot sa text at tawag sa cellphone ang ilang opisyal ng DAR at sinabi ng OIC director ng Public Assistance and Media Relation Service (PAMRS) na si Director Rosemarie S. Lomibao na wala pang official na sumasagot para magbigay ng pahayag dahil nasa Pangasinan pa umano ang mga ito para sa CLOA at project distribution.
Nauna ng sinabi ng DAR na nakatakdang sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang labing-tatlong (13) opisyal ng DAR at personnel sa Cebu dahil sa insidente. (Boy Celario)
The post Higit 2k titulo ng lupang sakahan ‘di naipamahagi sa magsasaka sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: