Facebook

Anong mararating ng P1K ayuda?

ANONG marararing ng isang libong pisong ayuda kung ang miyembro ng pamilya ay tatlo hanggang lima, nangungupahan ng bahay, bayad sa kuryente at tubig?

Ang isang libong piso ay tatlong araw lang na pinakatipid na budget sa pagkain ng pamilyang may tatlo hanggang limang miyembro, pramis.

Ito ang ipinaglalaban ngayon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa Kamara sa pagtalakay sa ‘Bayanihan 3’.

Oo! Tulong ng sambayanang Pilipino ang ipinanawagan ni Cayetano sa usapin ng kanyang panukala at ng mga kasamahan sa ‘Back To Service’ call to action na grupo para maisulong ang ‘10K Ayuda Bill’ sa kongreso.

Ayon kay Cayetano, may kapangyarihan ang bawat isa na katukin ang puso ng kani-kanilang kongresista upang manawagan na suportahan para sa pagsasabatas ng P10K Ayuda Bill.

Noong Pebrero 2021 pa inihain ng grupo ni Cayetano ang panukala, ngunit hindi manlang ito binigyang halaga na talakayin at atensyon nang dinggin ng Kamara ang Bayanihan 3. Bagkus, isinulong pa ng House Committee on Economic Affairs at Social Services na tig-P1K na lamang ang ibigay sa bawat Pilipino sa dalawang tranches.

Mahigit P200 bilyon ang kakailanganin na pondo para rito, na ayon kay Cayetano ay sapat na para mabigyan ng P10K ayuda ang mga pamilyang Pilipino na dumanas ng sobrang kahirapan at kagutuman dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ano nga ba ang magagawa ng P1K para sa isang tao? Para lang kasi itong limos kumpara sa P10K ayuda na pwede ng gamitin para sa pag-uumpisa ng maliit na kabuhayan para makabangon ang mga inilugmok ng COVID-19. Kaya tutol si Cayetano sa P1K ayuda na ito. Dahil halos walang epekto ito para sa mga benepisaryo. Huwag naman nating maliitin ang pagtulong sa ating mga kababayan na mistulang dole out na ang kalalabasan ng ating mga ginagawang hakbang. Bigyan natin ng dignidad ang ating kapwa kahit sa aspeto ng pagbibigay ayuda sa kanila. Mismo!

Sinabi ni Cayetano na hindi limos ang kailangan ng taumaba-yan dahil tayo ay nasa ilalim ng extraordinary times. Ika nga, extraordinary times need extraordinary measures. Kaya hindi talaga uubra ang P1K na ito. Kumbaga, ‘thanks but no thanks’, kaya mismong si Cayetano na ang nanawagan ng tulong sa taumbayan para hindi tuluyang patayin ng kongreso ang P10K Ayuda Bill.

“Ligawan po natin ang ating mga kongresista,” panawagan ni Cayetano.

Aniya, pwedeng sumulat ang concerned citizens sa kani-kanilang Representante at mga lokal na opisyales na i-endorso ang 10k Ayuda Bill. Let’s do it!

Malaki rin ang tiwala ni Cayetano na ‘di ibi-veto ni Pangulong Duterte ang P10K Ayuda Bill kung ito ay makakalusot sa kongreso dahil hindi maikakaila na mahalaga at malaki ang maitutulong nito sa mga benepisaryo. Mismo!

Kaya nga dahil sa kawalan ng aksyon ng kamara sa P10K Ayuda bill, inilunsad na mismo ni Cayetano at ng kanyang mga kasamang kongresista noong Mayo Uno, Labor Day, ang ‘Sampung Libong Pag-asa’ kungsaan mahigit 200 indibidwal ang na-bigyan ng P10K ayuda mula sa 13 lugar sa bansa – Caloocan, Quezon City, Mandaluyong, Marikina, Taguig, Rizal province, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Sur at Ormoc City.

Nitong Miyerkoles ay namigay din ang grupo ni Cayetano ng P10K ayuda sa 20 indibidwal sa Batangas. Maliban pa ito sa halos mahigit 30 kataong nabigyan nila ng P10K ayuda mula nang ihain nila ang panukala.

Ang hakbang ay ginagawa ng grupo para pukawin ang damdamin ng mga kongresista na itaguyod ang P10K Ayuda Bill. Kaya mga Sir/Ma’am sa Kamara, paki-aksyunan ang mga panukalang tunay na magbibigay tulong at ginahawa sa ating mga kababayan. Alam naming ‘di ‘nyo ramdam ang epekto ng pandemya sa inyong mga kabuhayan pero ‘wag rin kalimutan na naghihingalo na ang ating ekonomiya dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan dulot ng pandemya. Kamara, gising!

The post Anong mararating ng P1K ayuda? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anong mararating ng P1K ayuda? Anong mararating ng P1K ayuda? Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.