Facebook

PNVF isinawalat ang listahan ng volleyball team pool

LAHAT ng 16 players na dumalo sa tryouts nakaraang buwan ay kasama sa women’s national pool ng Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVF)
Sa listahan ay kabilang ang 2019 Southeast Asian Games team members Mylene Paat, Eya Laure, Aby Marano, Majoy Baron, Irish Tolenada, Kamille Cal, Faith Nisperos, Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Alyssa Solomon, Jaja Santiago, Dell Palomata, Ria Menesses, Imee hernandez, Jennifer Nierva at Bernadette Pepito.
Apat pa na players ang kailangan para makumpleto ang 20-player pool, pero pansamantala, ang unang listahan ay ipasa sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Olympic Committee.
Sinabi ni national team commission co-chairman Tony Liao na ang apat na nalalabing player ay ihahayag mula sa 24 invited players na hindi dumalo sa tryouts kapag dumating na ang Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito sa July.
Ilan sa kilalang players na absent ay sina Alyssa Valdez,Jia Morado,Dawn Macandili,Kim Fajardo, Kim Dy at Bea de Leon.
Sinabi ni PNVF president Tats Suzara na wala ng tryouts para sa team, sa halip ay obserbahan na lang ni Souza de Brito ang players sa Premier Volleyball League kumpetisyon.
Samantala, ang men’s volleyball team ay binobuu ng players na nagwagi ng historic silver medal sa 2019 SEAG.
Sina Jessie Lopez, Ish Polvorosa, Josh Retamar, Mark Alfafara, Marck Espejo, Bryan Bagunas, Jao Umandal, John Vic De Guzman, Rex Intal, Kim Malabunga, Francis Saura, Jack Kalingking at Ricky Marcos.
Pinalawak di ng PNVF ang beach volleyball pool sa 10 teams sa men’s at women’s squad.
Ang men’s pool ay binobuu nina Anthony Arbasto, Jude Garcia, Jaron Requinton, James Buytrago, Philip Bagalay, Ranran Abdilla.

The post PNVF isinawalat ang listahan ng volleyball team pool appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNVF isinawalat ang listahan ng volleyball team pool PNVF isinawalat ang listahan ng volleyball team pool Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.