Facebook

HEAT pasok na sa NBA playoffs

NAKALAWIT ng Miami Heat ang isa sa playoff spot sa NBA Eastern Conference matapos na muling padapain ang Boston Celtics, 129-121, kahapon sa TD Garden sa Boston.
Dahil dito nasa ika-limang pwesto na ang Miami parehas ng Atlanta Hawks habang meron pang nalalabing tatlong games bago magtapos ang regular season.
Kung maalala noong nakaraang taon umabot pa sa finals ang Miami pero hindi umubra sa Lakers.
Nanguna kahapon sa opensa si Tyler Herro na may 24 points habang kapwa may tig-22 points sina Bam Adebayo at Duncan Robinson.
Ang Miami star na si Jimmy Butler ay meron lamang 13 puntos na hindi na tinapos ang laro sa second half bunsod ng eye injury.
Sa huling 13 games ng Heat (38-31) nasa 10 na ang ipinanalo nito.
Samantala dahil naman sa kabiguan, ang Boston ay makikipag-agawan pa sa play-in round kung uusad nang tuluyan patungo sa NBA playoffs.
Nagtapos naman si Kemba Walker sa Celtics (35-24) na may 36 points.
Nasayang din ang ginawa nina Jayson Tatum na nagpakita ng 33 at si Evan Fournier ay may 20.

The post HEAT pasok na sa NBA playoffs appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HEAT pasok na sa NBA playoffs HEAT pasok na sa NBA playoffs Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.