Facebook

Pinoy pasok sa second round ng World Cup of Pool

INAKAY nina Jeff de Luna at Roberto Gomez ang Pilipinas sa ikalawang round ng World Cup of Pool matapos idispatsa ang tambalan nang all-female Great Britain B Allison Fisher at Kelly Fisher, 7-3 kahapon sa Milton Keynes,England.
Ang tambalan ng Filipino ay umarangkada matapos ang 1-1 tie at magwagi ng apat na sunod-sunod na racks para ikasa ang bakbakan kontra Billy Thorpe at Skyler Woodward ng United States.
Thorpe at Woodward ay dinaig ang pares nina Australia Justin Sajich at Ivan Li, 7-2 sa first round match.
Makakaharap nina De Luna at Gomez ang Amerikano sa race-to-seven affair 1:30 mamayang hapon para sa spot sa quarterfinal round ng annual 9-ball doubles kumpetisyon.
Puntirya ng dalawang cue artist na ibigay sa Pilipinas ang ika-apat na World Cup of Pool crown na ang una ay panahon nina Dennis Orcullo at Lee Van Corteza noong 2013 edition.
Ang Pilipinas ay kinapos na masungkit ang titulo sa nakaraang World Cup noong 2019 nang mabigo sila De Luna at Carlo Biado sa Australia sa final.

The post Pinoy pasok sa second round ng World Cup of Pool appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pinoy pasok sa second round ng World Cup of Pool Pinoy pasok sa second round ng World Cup of Pool Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.