Facebook

Babaeng modelo nagwala, nanapak ng traffic enforcer sa Maynila, kulong!

INARESTO at kinulong ang isang babaeng model nang manapak ng isang traffic enforcer sa kahabaan ng Osmena Highway corner San Andres St., Malate, Manila nitong Huwebes.

Kinilala ang model na si Pauline Mae Altamirano, 26 anyos, residente ng Unit 8E, Tres Palmas, Taguig City.

Sa ulat, minamaneho ni Altamirano ang kanyang Toyota Fortuner (NAX-2723) at pinilit tumawid kahit naka-stop (pula) na ang traffic light.

Pinara si Altamirano ng traffic enforcer na si Marcos Anzures dahil sa traffic violation, pero sa halip na huminto ay dumiretso ang babae, dahilan para habulin siya ng mga enforcer.

Sa bahagi na ng Osmeña Highway naabutan si Altamirano. Nang suriin, nalamang wala itong driver’s license.

Napag-alaman din na hiniram lang ni Altamirano ang kotse sa kanyang boypren.

Pinagsabihan ng enforcer si Altamirano na sumunod sa impounding area sa Maynila. Pero sa halip na sumunod, pinagsasampal nito ang enforcer at nagkulong sa kotse.

Nireker ang kotse ni Altamirano hanggang Manila City Hall. Dinala siya sa tanggapan ng Special Mayor’s Action Team (SMART) at kinasuhan ng direct assault.(Jocelyn Domenden)

The post Babaeng modelo nagwala, nanapak ng traffic enforcer sa Maynila, kulong! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babaeng modelo nagwala, nanapak ng traffic enforcer sa Maynila, kulong! Babaeng modelo nagwala, nanapak ng traffic enforcer sa Maynila, kulong! Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.