Facebook

Dalagitang anak inasawa ni Daddy habang nasa abroad si Mommy

KULONG ang isang construction worker na limang taon ginagahasa ang menor de edad na anak sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Kinilala ang naaresto na si Roderick Paguio, biological father; habang itago sa pangalang ‘Isabel” ang biktimang 15-anyos at Grade 9 student; kapwa ng Barangay Loma de Gato, Marilao.

Ayon sa ulat, inumpisahang gahasain ni Paguio ang kanyang anak mula 2016 sa edad na 10 taon pa lamang.

Dahil sa takot at pagbabanta ng ama, kinimkim na lamang ng anak ang nangyayari.

Nagpunta ang ina ng biktima sa abroad bilang domestic helper nitong nakalipas na taon.
Nabatid na mula noon patuloy na ginagahasa ni Paguio ang anak.

Nitong Mayo 26, Miyerkoles, bandang 7:00 ng umaga muling naulit ang panggagahasa.
Lingid sa kaalaman ni Paguio, nagkaroon ng pagkakataon na makapagsumbong ang anak sa isang pastor sa kanilang lugar.

Ipinaalam naman ng pastor sa tiyahin ng biktima ang dinadalang suliranin ng dalagita na agad nagsumbong naman sa mga awtoridad kaya nahuli ang “demonyong” na ama.

Nahaharap sa kasong ‘Rape’ o Violation of RA 8353 si Paguio na nakapiit sa naturang himpilan.

The post Dalagitang anak inasawa ni Daddy habang nasa abroad si Mommy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagitang anak inasawa ni Daddy habang nasa abroad si Mommy Dalagitang anak inasawa ni Daddy habang nasa abroad si Mommy Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.