Facebook

Sen. Go, ilalaban sa Senado ang pagpapatayo ng Philippine Virology Institute sa New Clark City

WELCOME kay Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang effort para sa pagpapatayo ng Philippine Virology Institute sa New Clark City.

Sinabi ni Go na hindi niya titigilan ang pagsusulong sa pag-institutionalize sa Virology Institute of the Philippines kasabay ng pag-welcome niya sa efforts din ng mga concerned government agencies tulad ng Department of Science and Technology para maitayo ang pasilidad sa New Clark City sa Capas Tarlac

Ayon kay Go, gagawin niya ang lahat para ipaglaban ang pagpasa sa Virology Institute bill sa Kongreso dahil malaking tulong aniya ito para sa pagbuo ng kapasidad ng bansa sa vaccine development and manufacturing para hindi na masyadong umasa ang Pilipinas sa international market ng mga bakuna.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang DOST sa Bases Conversion and Development Authority at Department of Public Works and Highways para sa lupa na pagtatayuan para masimulan na ang pagpapatayo nito sa susunod na taon.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng biosafety laboratories na may maximum containment level ang VIP facility na magiging kauna-unahan sa Pilipinas.

Giit ni Go, hindi masasabi kung may mga pandemya pang darating kaya mabuti nang proactive ang Pilipinas at para magkaroon na rin ng kapasidad na gumawa ng sariling bakuna ang bansa

Kinumpirma rin ng DOST na magkakaroon ng greenhouse at animal house para sa pland and animal virus research.

Inihayag din ng DOST na marami ng Filipino Virologist sa ibang bansa ang nagpahayag ng interes na umuwi ng bansa para magtrabaho sa VIP.

Matatandaan na mayroon nang nailaan ang Department of Budget and Management na P50 million para sa design at P284 million para naman sa initial project ng institution. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go, ilalaban sa Senado ang pagpapatayo ng Philippine Virology Institute sa New Clark City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go, ilalaban sa Senado ang pagpapatayo ng Philippine Virology Institute sa New Clark City Sen. Go, ilalaban sa Senado ang pagpapatayo ng Philippine Virology Institute sa New Clark City Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.