Facebook

‘15K rebelde sumuko’, bakit meron parin?

NASA 15,000 rebelde na ang sumuko sa pamahalaang Duterte.

Ito ang ibinalita sa atin ni Usec. Lorraine Baduy, ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sa lingguhang ‘Meet the Press’ ng National Press Club via Zoom nitong Bi-yernes ng umaga.

Sa nasabing bilang, sinabi ni Baduy na 3,500 rito ay regular members ng New People’s Army (NPA).

Ang mga nagbalik-loob sa gobyerno, sabi ni Baduy, ay pinagkalooban ng kabuhayan o livelihood para sa kanilang panimula sa pagbabagong-buhay.

Ibinalita rin ng opisyal na nasa 75 percent narin ang developments na ginagawa ng task force sa mga liblib na lugar na dating pinamumugaran ng mga rebelde. Ito’y ang paglagay ng kalsada, kuryente o anumang gustong i-develope sa erya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng mamamayan.

Pero may napansin lang tayo rito sa bilang ng mga sumukong rebelde. Sabi, wala pang 5,000 ang bilang ng NPA sa bansa, eh saan galing itong 15,000 na sumuko? At bakit marami paring NPA na nang-a-ambush sa ating militar at pulis?

Anyway, naniniwala naman tayo na marami na ngang sumuko at namatay sa hanay ng mga NPA. Pero sa tingin ko ay hindi mawawala ang grupong ito hangga’t talamak ang kahirapan, may mga magnanakaw at abusado sa go-bierno. Mismo!

Wish natin ay maayos na ng gobierno ang mga liblib na lugar para wala nang maengganyo pang sumanib sa NPA. Dapat!

Pero kung tutuusin, ang local government ang dapat sisihin sa mga napag-iiwanang bayan o barangay. Oo! May mga pondo ang LGU, may share mula sa national goverment, may multi-million pork barrel pa ang kanilang kongresista, bakit hindi nila maayos-ayos ang kalagayan ng kanilang mga nasasakupan? Kahit nga simpleng pagtusok ng water pump sa mga lugar na walang source ng tubig ay hindi magawa-gawa. Mismo!

Ang kahirapan ng isang bayan ay bunga ng incompetent at pabayang namumuno. Kaya dapat ang mamamayan ay maging matalino talaga tuwing eleksyon, maghalal ng kandidatong may vision, hindi magnanakaw, hindi abusado, lalong hindi trapo, kundi kapakanan lang ng ba-yan at mamamayan ang nasa puso’t isipan. Sa 2022… isa-isip nyo ito, mga pare’t mare or else another 3 years na naman magdurusa ang mahirap na bayan ninyo. Tandaan!

***

Pinaaaresto ni Pangulong Rody Duterte sa pulisya ang barangay chairman na nagpapabaya sa pagkakaroon ng mass gathering sa kanyang nasasakupan.

Tama ang order na ito ng Pangulo. Dahil trabaho ng barangay officials partikular tserman/kapitan na pangalagaan ang kanyang nasasakupan lalo ngayong may pandemya ng Covid-19.

Ang nangyayaring party-party sa isang lugar, na mahigpit na ipinagbabawal ng gobierno para maiwasan ang hawaan ng virus, ay ‘di mangyayari kung nagtatrabaho lang ang barangay. Yes! Sila ang nasa lugar. Sila ang nakakaalam ng mga nangyayari sa kanilang komunidad. Kaya anumang mga paglabag sa mga protokol kontra Covid-19 ay sagutin nila. Mismo!

Kaya mga tserman/kapitan, gawin ninyo ang para sa kaayusan at seguridad ng inyong nasasakupan kung ayaw ninyong makasuhan tulad ng babala ni Gongdi. Just do it!

The post ‘15K rebelde sumuko’, bakit meron parin? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘15K rebelde sumuko’, bakit meron parin? ‘15K rebelde sumuko’, bakit meron parin? Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.