Facebook

Pakyaw delikado!

SA boksing man o sa pulitika ay malaki posibilidad na malasin si Manny Pacquiao sa mga susunod na buwan.

Pinili niyang kabakbakan sa ibabaw ng ring ay si Errol Spence Jr. Siya ang walang talong IBF at WBC welterweight champion.

Mas bata ng 11 taon. Higit na matangkad. Nasa kalakasan. 21 sa 27 na fight ay via KO ang tubong Long Island, New Yotk.

Kaya sa ika-21 ng Agosto sa MGM Grand sa Las Vegas ay tinatayang madadaig ng Amerikano ang Pilipino.

Pero kung sakali magwagi siya ay big win ito at tataas pa kanyang popularidad. Tamang-tama ang timing sa eleksyon.

Sa kanya naman sariling lapian ay inaaswang siya ng ilang mga opisyal. Binabalewala ang kanyang pagiging presidente.

Nagpapatawag ang mga umaahas sa kanya ng sariling mga pulong at general assembly. Siyempre may kumpas ito ng Pangulo na siyang pinakalider. Dahil may sariling plano ang asawa ni Jinkee para sa Malacanang sa 2022 ay inaalisan na siya ng pangil ngayon pa lamang. Pwede matanggal siya sa puwesto o sa partido mismo.

Kung sabagay inilagay lang naman siya diyan bilang palamuti. Walang tunay na kapangyarihan.

Yan ang dalawang malaking hamon na haharapin ng anak ni Aling Dionesia sa parating na panahon.Abangan ang husga ng kapalaran!

***

Maraming kwento ang kababata ni Jesse M. Robredo na si Jun Lavadia nang maging panauhin natin sa OKS noong Lunes kasabay ng kapatid na si Dra. Penny Robredo-Bundoc at kaibigang si Among Ed Panlilio..

Ire palang si JMR ay mahusay sa paborito nating laro, Sentro ang game ng yumaong 6-term na alkalde ng Naga. Dahil halos six-footer at siyang pinakamatangkad sa kanilang lugar ay siya pinapupuwesto sa gitna.

Lider din sa loob ng court ang asawa ng ating Bise-Presidente. Kinakausap parati kanyang kasamang apat para sa kanilang opensa at depensa.

“Nang mag-aral sa Maynila ang naging Kalihim ng DILG ay maraming bagong moves na pinakita sa aming mga kalaro sa plaza,” eka ng dating konsehal ng kanilang siyudad.

Para sa kumpletong episode ng ating palatuntunan ay punta po kayo sa YouTube at hanapin ang OKS@DWBL May 24, 2021.

Sa ika-31 naman ng buwang kasalukuyan ay mga bisita natin sina Almond Cajipe ng Wilson Balls at AC Valdenor ng BlackTop.Ph. Ang paksa ay mga sports brands ngayong pandemya.

The post Pakyaw delikado! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pakyaw delikado! Pakyaw delikado! Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.