NAGSAGAWA ng relief activities ang opisina ni Senator Christopher “Bong” Go sa Negros Occidental para sa flash flood victims sa San Carlos City bilang bahagi patuloy na pagsisikap ng senator na matulungan ang mga biktimang Pilipino upang madaling makaahon at maibalik ang kanilang dating buhay.
“Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil may gobyerno kayo na nagmamalasakit sa inyo. Hinding-hindi kayo pababayaan ni Pangulong [Rodrigo] Duterte at ng administrasyong ito,” ito ang tiniyak ni Go sa isang video call.
Dahil sa naganap na natural disaster sa ating bansa muling isinulong ni Go ang pangangailangan ng enactment ng Senate Bill No. 205 na mas kilala bilang Disaster Resilience Act of 2019 na nagbibigay ng paglalaan ng Department of Disaster Resilience, na ang DDR ay nangangailangan pagkakaisa ng pamahalaan para sa supervision ng emergency response at matiyak ang communities disaster-resilient.
“Hindi na po kailangan pang papasa-pasa pa po ang ating mga kababayan. Mayro’n na po silang isang opisinang nakatutok po para sa kanila. Hindi na po malilito ang ating mga kababayan at kung kani-kanino lang sila hihingi ng tulong at impormasyon,” ayon kay Go.
Ang sukatan para sa second hearing para sa Senate Committees para sa National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation; Ways and Means; and Finance sa January 29.
Kaugnay nito may kabuuang 1,700 beneficiaries ang binigyan ayuda ng Go’s team sa pamamahagi ng aktibidad na isanagawa sa batches nitong nakalipas na Mayo 10 na tumanggap ng pagkain, food packs, vitamins, mask at face shields habang mahigpit na ipinatutupad an gang health and safety protocol sa tulong ng Philippine National Police.
Nabatid pa sa ulat na ilang beneficiaries ay binigyan ng sapatos, at ang ibang nahihirapang sumakay sa pagpasok sa kanilang trabaho ay binigyan ng bisekleta ang ibang kabataan na nag-aaral sa bahay sa ilalim ng blended learning ay binigyan ng tablets.
Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nag-alok din siya ng medical care at sinabi nitong ang mga nangangailang ng medical assistance ay maaaring mag-vail mula sa gobyerno ng Malasakit Center sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City.(Boy Celario)
The post Flash flood victims sa San Carlos, NegOc sinaklolohan ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: