Facebook

Marcial pasok sa semis ng ASBC

PASOK sa semifinal round si Filipino boxer Eumir Marcial at panigurado na sa bronze medal sa ASBC Elite Men and Women Boxing Championship Miyerkules ng gabi sa Dubai,United Arab Emirates.

Ang Tokyo Olympics- bound Marcial ay umusad sa semifinal round matapos umatras ang kalaban Otgonbaatar Byamba- Erdene ng Mongolia dahil sa shoulder injury.

“Marcial was supposed to fight last night (Wednesday),” Wika ni Association of Boxing Alliances of the Philippine secretary-general Ed Picson.

“But his Mongolian opponent withdrew due to shoulder injury. Kahapon pa duda ng team na hindi makakalaban (Mongolian) kasi nakita nila sa mess hall hindi magalaw ang braso.”
Naikasa ni Byamba- Erdene ang quarterfinal match laban kay Marcial — top seed sa middleweight (75kg) category— kasunod ng 4-1 triumph kontra Iraq’s Ridha Talib Jabbar sa preliminaries.

Makakasagupa ni Marcial sa next round ang No.4 Omurbek Bekzhigit Uulu ng Kazakhstan or Jafarov Saidjamshid ng Uzbekistan.

Ang semifinal bout ni Marcial, na kinita sa bye sa preliminary stage, ay nakatakda Biyernes ng gabi. ( 10 pm sa Manila).

Tatlo pang Filipino boxers na nakapasok sa semifinal round ay sina, Mark Lester Durens,Junmilardo Ogayre at Josie Gabuco.

Sa quartefinals nitong Martes, pinataob ni Durens si Mansour Khalefa ng Kuwait sa pamamagitan ng Referee Stops Contest sa first round ng kanilang light flyweight (46kg) bout, habang si Ogayre nagwagi sa pamamagitan ng impresibong 5-0 win kontra Rukmai Prassana ng Sri Lanka sa bantamweight category (56kg).

Makakaharap ni Durens si Daniyal Sabit ng Kazakhstan matapos umiskor ng 5-0 win laban kay Komelis Kwangu Langu ng Indonesia, Habang si Ogayre ay haharapin ang top seed Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan 4-1 vs Indonesia’s Mohammad Hussam Uddin.

The post Marcial pasok sa semis ng ASBC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Marcial pasok sa semis ng ASBC Marcial pasok sa semis ng ASBC Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.