Facebook

Libong manggagawa ng Bataan Freeport inayudahan ni Sen. Go

MATAPOS ang mahirap na taon ng pandemya, personal na tinungo ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga apektadong manggagawa sa Authority of the Freeport Area sa Bataan upang pakinggan kalagayan at magsagawa ng aktibidad para matulungan at mapagaan ang masamang apekto ng socio-economic tulad epekto ng pandemya sa kabuhayan at kabuhayan.
“Mga kababayan, mayroon akong dalang kaunting tulong pantawid sa ating kinakaharap na krisis ngayon. Alam kong marami ang apektado. Marami ang nawalan ng trabaho at nagsara ng negosyo dahil sa pandemyang ito. Gayunpaman, kaunting tiis lang,” wika ni Go.
“Naiintindihan namin na hirap na hirap na kayo. Hirap na rin kami ni Presidente [Rodrigo] Duterte, subalit kayo ang nagbibigay ng lakas sa amin para paigtingin pa namin ang aming pagtatrabaho upang malampasan natin ang pandemyang ito,” dagdag pa ni Go.
Ang Go’s team ay nagbigay ng pagkain, food packs , vitamins, masks, at face shields sa lahat ng 997 apektadong manggagawa sa Freeport Area ng Bataan sa Mariveles nitong Martes May 18.
Sinabi sa ulat na ang distribution ay dala ng maliit na batches habang tinitiyak ang health and safety protocol laban sa Covid-19 habang mahigpit na ipinatutupad. Ang distribution ng assistance ay nananatiling patuloy ngayong linggo para maabot ang may 7,495 beneficiaries.
Kaugnay nito ang mga napiling manggagawa ay binigyan ng bisekleta para sa kanilang araw-araw na pagsakay at binigyan ng bagong parehas na sapatos. Ang ilan binigyan ng tablet para tulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaal sa ilalim ng learning set-up implemented ng eskuwelahan.
Bilang bahagi ng national governments ang sukatan ng kaluwagan ng indibidwal sa krisis ng sitwasyon, ang personnel mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nagbigay ng hiwalay na financial assistance. Ang Department of Trade and Industry ay tinasa ang potensyal na beneficiaries para sa kanilang assistance program.
“Kung mayroon dito o may kilala kayong pasyente, anak niyo man o lolo at lola, na kailangan ma-operahan sa Maynila, gaya sa Philippine Heart Center o Lung Center of the Philippines, magsabi lang kayo. Kami na sasalo sa pamasahe pati pagpapa-ospital niyo sa Maynila. Hindi niyo na kailangan alalahanin ‘yung babayaran dahil tutulungan namin kayo,” dagdag pa Go.
Kaugnay nito para matiyak ang kalusugan binigyan diin ni Sen. Go at pinayuhan ang may mga medical concerns na magtungo sa services ng Malasakit Centers sa Bataan General Hospital and Medical Center sa Balanga City o sa newly-opened ng Mariveles Mental Wellness and General Hospital. (Boy Celario)

The post Libong manggagawa ng Bataan Freeport inayudahan ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Libong manggagawa ng Bataan Freeport inayudahan ni Sen. Go Libong manggagawa ng Bataan Freeport inayudahan ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.