Facebook

Bangka may sakay na Covid-19 vaccines tumaob sa Quezon

Tumaob ang bangka na may kargang Covid-19 vaccine habang patungo sa Polillo, Quezon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, lulan ng bangka ng Department of Agriculture sa 100 metro ang layo sa Barangay Ungos, Real, Quezon.
Lulan ng bangka ang dalawang personnel ng Department of Health (DOH), dalawang Pulis ng Polillo municipal police station, ang boat captain at motorman.
Dala ng grupo ang dalawang kahon na hindi na binanggit pa na bakuna.
Sinabi ng isang pasahero na tumama sa isang sementadong poste ang bangka kaya ito tumaob.
Nasa mabuting kalagayan ang mga pasahero matapos na sila ay nailigtas.
Habang sa ginawang pagsusuri ng Department of Health sa mga bakuna ay maaari pa itong magamit.(Jocelyn Domenden)

The post Bangka may sakay na Covid-19 vaccines tumaob sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bangka may sakay na Covid-19 vaccines tumaob sa Quezon Bangka may sakay na Covid-19 vaccines tumaob sa Quezon Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.