Facebook

DOH: Pagkuha ng ‘vital signs’ bago turukan ng COVID-19 vaccine aalisin na

IHIHINTO na ng Department of Health (DOH) ang pagkuha ng “vital signs” sa mga indibidwal na tuturukan ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ang tugon ng ahensya sa mga ulat na mahaba at matagal ang pila sa mga vaccination sites.
Paliwanag ng opisyal, may basbas naman ng mga eksperto ang desisyon na hindi na suriin ang blood pressure ng mga magpapabakuna.
“We were already given the recommendation from the Philippine Society of Hypertension at Philippine Heart Assocation, na sinasabi nilang we don’t need to do vital sign screening before vaccination,” ayon sa tagapagsalita ng DOH.
“Ang kailangan lang bantayan, specially for blood pressure would be, yung blood pressure na 180 over 120 or more. Pero yung iba kahit tumataas ang presyon maaari naman silang bakunahan.”
Aprubado naman daw ng National Immunization Technical Advisory Group at DOH Technical Advisory Group ang rekomendasyon. Ang pinababantayan lang ng mga eksperto sa vaccinators ay yung mga may history ng altapresyon at “organ damage.”
Bukod sa pag-alis ng vital signs screening, inaatasan din ng DOH ang vaccination sites na bumuo ng hiwalay na lane para sa mga indibidwal na binabantayan.
“Kasi ang nagiging sistema ngayon ay bini-BP (blood pressure), tapos kapag mataas ang BP, aantayin ng ilang minuto tapos ibi-BP uli, so this makes the line longer and our citizens wait for longer time.”
Inutusan na rin umano ng ahensya ang local government units na palawigin ang kanilang vaccination sites para mas marami pang residente ang mabigyan ng COVID-19 vaccines.

The post DOH: Pagkuha ng ‘vital signs’ bago turukan ng COVID-19 vaccine aalisin na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DOH: Pagkuha ng ‘vital signs’ bago turukan ng COVID-19 vaccine aalisin na DOH: Pagkuha ng ‘vital signs’ bago turukan ng COVID-19 vaccine aalisin na Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.