Facebook

Batas na mag-eestablisa ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines, inihain ni Bong Go

INIHAIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang batas na magtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) upang mas maging maagap ang bansa sa pagtugon sakaling muling magkaroon ng pandemya.

“In the long term, investing heavily on health research initiatives should be pursued. It is for this reason that I filed this bill in support of President Rodrigo Duterte’s call to establish a virology institute that will capacitate the country to conduct scientific research initiatives and eventually develop our own vaccines,” ayon kay Go.

Sinabi ni Go na layon ng kanyang hakbang na maiwasang maulit ang kasalukuyang sitwasyon na nahirapan at napag-iwanan ang mahihirap na bansa, gaya ng Pilipinas, na salat sa medical resources, tulad ng bakuna at iba pang esensiyal na gamot laban sa pandemya kumpara sa ibang higit na maunlad na mga bansa na nakapamuhunan na sa health sciences at medical research.

Ang Senate Bill No. 2155, o ang “Virology Science and Technology Institute of the Philippines Act of 2021”, ay layong magtayo ng VIP na magsisilbing pangunahing laboratoryo ng bansa para sa virology laboratory investigations, researches, at technical coordination ng buong network ng virology laboratories sa buong kapuluan.

Ipinaliwanag ni Go na maaaring naiwasan ang viral outbreaks kung maayos itong nahawakan sa tulong ng national virology laboratory sa pagsasagawa ng pag-aaral sa viral diseases sa tao, halaman at mga hayop.

“Understanding the genetic changes in viral genome is a prerequisite for a strong public health response to emerging, re-emerging and existing viral diseases,” ipinunto ng senador.

Aniya, dapat ay matuto na ng aral ang mga awtoridad sa kasalukuyang karanasan, lalo sa pagtukoy sa mga polisiya at pagtugon sa mekanismo at sa pamamagitan ng pagiging proactive sa paghahanda sa krisis sa hinaharap.

Kung maisasabatas, ang VIP ay magiging attached agency sa ilalim ng Department of Science and Technology. Ang DOST, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Department of Health, ang magtatakda ng polisiya sa pagpapatupad ng superbisyon at kontrol sa Institute. (PFT Team)

The post Batas na mag-eestablisa ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines, inihain ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Batas na mag-eestablisa ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines, inihain ni Bong Go Batas na mag-eestablisa ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines, inihain ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.