MAHIGIT isang bilyong dolyar na aabot ang pagkakautang ng New People’s Army (NPA) at maging ng mga opisyales ng Communist Party of the Philippines(CPP) na pareho nang tinuturing na mga Communist Terrorist Group(CTG), sa mga atraso at pangaabuso ntiong mga nagawa, ayon sa taga-pagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules.
Sa pahayag ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), ipinaliwanag niyo na sa ilalim na mga lokal man at internasyunal na batas, partikular na ang International Humanitarian Law (IHL), ang sinumang grupo na napatunayang nakagawa ng mga pang-aabuso at pagpapahirap sa gitna ng pakikibaka ay maaaring pagbayarin ng danyos sa kanilang mga nabiktima.
Sa ilalim kasi lamang ng Section 14 ng Republic Act No. 9851, o “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity” na nilagdaan noong December 11, 2009, sinabi ni Catura na kailangang sunduin ng hukuman ang mga prinsipyo sa pagnaibigay kabayaran at rehabilitasyon sa mga biktima base sa bigat ng mga nagawa ng mga salarin sa kanilang mga nabiktima.
“Subalit anumang halaga ang itatakda at ididemandang ibayad ng hukuman sa mga biktima ay hindi na maipapalit sa pair na dinanas ng mga biktima sa mga kamay ng CTG,” paliwanag ni Catura na taga-pagsalita ng task force sa larangan ng karapatang pangtao, usapang pangkapayapaan at mga international engagements.
Aniya, tama lamang na pagbayarin ang mga CTG at panagutin ang mga ito sa kanilang mga krimen gaya ng pagpatay sa mga inosenteng sibilyan, paninira ng mga ari-arian ng pamahalaan at ng pribadong mga mamamayan, pagdukot at pagamit sa mga kabataan bilang kanilang mga mandirigma at kanilang pagpatay sa kanilang mga mismong kasapi at kasamahan.
“Naisumite na ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang listahan ng mga atraso ng NPA at CPP at maaari na Ang mga ito ay desisyunan ng hukuman,” dagdag pa ni Catura na sinabi ring kanilang isusulong ang mga kaso sa International Committee olng Red Cross (ICRC) na lagi g kaakibat ng sandatahan sa mahigpit na pagsunod sa IHL, bilang kanilang tunay na tungkulin.
“Amin din ipaalam ang mga ito sa United Nations sa pamamagitan ng kanilang UN Resident Coordinator at Senior Human Rights Adviser dito sa Pilipinas,” ang sabi pa Catura.
Dahil ang UN Office of the High Commissioner on Human Rights na raw ang nagsabi sa isang ulat nito, na napakarami na bang nagawabg pang-aabuso at atraso ang NPA at dapat bang pagbayarin ang mga ito sa kanilang mga kasalanan sa bayan.
Kamakailan lamang din ay naglabas ang AFP- Center on the Laws of Armed Conflict (AFP-CLOAC) na nasa 1,506 na kaso na ng mga krimen ang kanilang naitala na kagagawan ng CPP-NPA.
Ayon kay Bgen. Jose Nacnac, kasama na sa bilang na ito ang halos 500 kabataang nirekrut bilang armandong NPA at daan daan ding biktima ng sadyang pananambang at pagpatay sa mga sundalo, pulis at sibilyan.
The post Bilyon dolyar ‘indemnity’ ng NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: