Facebook

Isko: Bgy Council/SK, tulungang marehistro sa libreng bakuna ang mga bedridden, seniors at may comorbities

INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Barangay Bureau sa pamumuno ni Romeo Bagay na tiyakin na ang lahat ng punong barangay sa lungsod ay pakikilusin ang kanilang barangay council at Sangguniang Kabataan upang tumulong sa lahat ng mga bedridden, immobile residents, senior citizens at mga may comorbidities na makapagrehistro online upang mabakunahan ang mga ito.

Ginawa ni Moreno ang kautusan makaraang makatanggap ng maraming text messages mula sa mga netizens na nagtatanong kung paano makakapagpabakuna ng libre ang kanilang mga kaanak na baldado o hindi na makakilos bunga ng iba’t-ibang karamdaman.

Dahil dito ay nagpalabas ng memorandum si Bagay sa lahat ng chairman na nagsasabing nakarating na sa City Hall, na nagpakakaitan ng pagkakataon na mabakunahan ng libre ang mga senior citizens at mga baldadong indibidwal at mga may comorbidities.

Ayon kay Bagay isa sa dahilan kung bakit hindi pa nakakapagpabakuna ang mga individwal na nabanggit ay dahil kapos ang mga ito sa kaalamang teknikal o kawalan ng gadget na kailangan upang makapagrehistro online.

“In view of this, all chairmen are being adivsed to mobilize their respective barangay council and Sangguniang Kabataan council to facilitate in the registration of our unfortunate constituents who are willing to avail of the much-needed free vaccine but lack the technical knowledge and or gadgets needed to register,” ayon sa sinasaad ng memo ni Bagay sa lahat ng barangay.

Unang bahagi pa lamang ng Abril ay inatasan na ni Moreno si Bagay na magpakalat ng memo na nagsasaad na hanapin ang lahat ng mga bedridden at baldadong residente nang magsimula ang pamahalaang lungsod ng ‘home service’ vaccines kung saan mismong si Vice Mayor Honey Lacuna ang siyang puno ng programa.

“The city aims to embrace all sectors, specially those whose mobility are restricted so they, too, may get added protection against COVID-19,” sabi ni Moreno kasabay sa kanyang direktiba kay Bagay na dalhin sa lahat ng chairman ang utos na gumawa ng listahan ng mga residente na hindi makakapunta sa vaccination sites dahil sila ay baldado, bedridden dahil sa kanilang sakit.

Ayon kay Moreno ang lahat ng interesado ay maaaring magpatulong sa kanilang mga kasama sa bahay, guardians upang magpunta ng barangay at ipalista ang pangalan ng kanilang kasama na bedridden o baldado para sa ‘home service’ vaccination.

Ang listahan ay dapat naglalaman ng pangalan ng guardians o caregivers, complete address, contact number at email address kung mayroon at ipadala sa manilahomevaccination@gmail.com. (ANDI GARCIA)

The post Isko: Bgy Council/SK, tulungang marehistro sa libreng bakuna ang mga bedridden, seniors at may comorbities appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko: Bgy Council/SK, tulungang marehistro sa libreng bakuna ang mga bedridden, seniors at may comorbities Isko: Bgy Council/SK, tulungang marehistro sa libreng bakuna ang mga bedridden, seniors at may comorbities Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.