UMALIS kahapon ang Meralco Bolts patungong Laoag,Ilocos Norte para sa 10-day training camp, unang PBA team na magsagawa ng scrimmages bago magsimula ang 46th season ng liga.
Ang Bolts ay isasagawa ang kanilang bubble training sa Laoag Centennial Arena, na nag-host ng All-Star games sa nakaraan, habang titira sa charming Fort Ilocandia Resort and Hotel.
Ang Meralco ay binigyan ng green light para simulan ang kanilang team praktis matapos makumpleto ang kailangan na dalawang RT-PCR test bilang bahagi ng PBA’s strict health protocols.
Sa pamamagitan ni Gov. Matthew Manotoc, ang Ilocos Norte ay bukas sa lahat ng PBA teams na gustong magsagawa ng kanilang training camps sa ilalim ng bubble set-up, lalo na ang lalawigan ay mababa ang kaso ng COVID-19.
“Our goal is to lead the way and show how sports and safety can go hand in hand,”Anunsyo ng Bolts sa kanilang opisyal Instagram account bago umalis papuntang Laoag.
“Back to basketball together, leading the way together, staying safe together.”
The post Bolts pumasada papuntang Laoag appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: