Facebook

Bong Go: Philippine Sports Training Center ititirik na sa Bataan

PERSONAL na dinaluhan ni Senate Committee on Sports chairman, Senator Christopher “Bong” Go ang presentasyon at paglalagda ng Deed of Donation ng lupang pagtitirikan ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Bataan.

Sa kanyang speech, tiniyak ni Go ang kanyang suporta sa pagtatayo ng sports facility, sa pagsasabing, “Ako naman po sa Senado, bilang Committee Chair on Sports, asahan n’yo po ang aking suporta. Bilisan na po natin. Alam n’yo po, ‘pag nagtutulungan ang ating mga atleta at ating gobyerno at private sector ay malayo po ang ating mararating.”

Sinabi ni Go kung paano nakatulong nang malaki ang kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at mga sektor ng lipunan kaya nanguna ang Pilipinas sa pagsungkit ng mga medalya sa 2019 Southeast Asian Games.

“Tulad po ng nangyari noong 2019 na nagtulungan po ang lahat ay nag-number one po tayo sa Southeast Asian Games. Ito naman pong training center na gagawin ngayon ay para po ito sa mga atleta na magpa-participate po sa Southeast Asian Games, sa Olympics,” idinagdag ng senador.

Anim na lote na may kabuuang land area na 250,000 square meters sa munisipalidad ng Bagac ang ibinigay ng Provincial Government of Bataan para pagtayuan ng PSTC. Inaasahang makukumpleto ang pasilidad sa 2025.

Nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong February 2019, ang Republic Act 11214 ay siyang lumikha sa PSTC na layong i-promote at i-develop ang palakasan sa bansa at marating ang kagalingan sa pandaigdigang palakasan, at matiyak ang kahusayan sa Olympic Games.

Hiwalay pa sa National Academy of Sports, sinabi ni Go na ang dalawang pasilidad na ito ay regalo ng pamahalaan sa mga atleta.

Nilagdaan naman ng Pangulo upang maging ganap na batas ang RA 11470 na nag-eestablisa sa National Academy of Sports noong Hunyo. Isa si Go sa pangunahing may akda nito.

“Baka ma-confuse kayo. Itong National Academy of Sports, isa po ako sa author nito at pinirmahan na po ni Pangulong Duterte. At good news din po, pinirmahan na rin po ni Pangulong Duterte ang para sa infrastructure na PhP729 million,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang paglalabas ng badyet sa konstruksyon ng facilities at amenities National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac, na nagkakahalagang P729 million.

Nakapaloob sa nasabing halaga ang paggawa, civil works requirements; fixtures, furniture, equipment at consultancy services.

“Pwede na pong mag-umpisa ang building ng National Academy of Sports. Dalawa po ito; bukod sa PSTC, another dream come true sa akin itong National Academy of Sports,” ayon kay Go.

“Ilayo po natin ang ating mga kabataan sa droga, lalung lalo na po ngayon, challenge po ito sa atin itong panahong ito dahil wala pang contact sports. Kung meron man po, kailangan i-observe ang quarantine. Napakalaking challenge po ito sa ating mga atleta, paano tayo makakapag-adjust sa new normal sa sports,” paliwanag ng senador. (PFT Team)

The post Bong Go: Philippine Sports Training Center ititirik na sa Bataan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Philippine Sports Training Center ititirik na sa Bataan Bong Go: Philippine Sports Training Center ititirik na sa Bataan Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.