IPINAALALA ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakailangan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapalakas ang vaccine rollout.
Sinabi ni Go na kapag nabakunahan na ang lahat ng vulnerable sa COVID-19, partikulart ang frontliners, senior citizens at may mga comorbidities, uusad na ang gobyerno sa pagbabakuna naman sa iba pang essential sectors at indigents sa vaccine rollout.
Ayon sa senador, ang pagbabakuna sa priority sectors ay makatutulong para mapalakas ang tiwala ng publiko at maialis ang takot o pangamba ng general population sa kaligtasan at efficacy ng vaccines.
“Sa mga Local Chief Executives, since pinayagan na pong bakunahan sila, ako po ay nananawagan po sa inyo na magpabakuna na rin po kayo para po maging halimbawa at sundin po kayo ng ating mga kababayan na huwag pong katakutan ang bakuna,” iginiit ni Go.
“Dapat po ay pagkatiwalaan po ang ating mga bakuna dahil kayo naman po ang namumuno ng local IATF (Inter-Agency Task Force) sa inyong lugar. So, dapat po kayo ang mag-encourage sa ating mga kababayan na magpabakuna na rin po,” dagdag niya.
Bukod sa LCEs, iginiit din ni Go sa frontline workers na magpabakuna laban sa COVID-19 para masigurong protektado na sila laban sa virus.
“Isinabak natin sila sa giyerang ito, sila po ang nakakaalam sa giyerang ito sa medical field, so, dapat po protektado ang ating mga frontliners,” ani Go.
“That’s why I’m encouraging our frontliners to avail of the vaccines, kayo naman ang prayoridad. Dapat po mabakunahan ang 1.7 million na frontliners para protektado po sila. ‘Wag kayong matakot sa bakuna, magpabakuna na kayo dahil protektado dapat kayo at kayo po ang nasa harapan ng giyerang ito,” dagdag niya.
Muli ring tiniyak ng mambabatas na prayoridad niya ang Bayanihan 3 o kung ano ang makatutulong sa ating mga kababayan na ayuda.
“Ang katanungan lang naman dito, may pera ba ang gobyerno. So, binabalanse po ng ating executive department ang pera. Para po ito sa mga susunod pang buwan o taon kasi nakausap ko rin po ang ating finance managers na siguraduhing maglaan ng pondo para sa pagbili ng bakuna sa susunod na taon,” sabi ni Go. (PFT Team)
The post ‘Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: