Report ko po para sa kaalaman ni Yorme at ng DILG mismo ang tungkol sa mga tricycle sa may Dagupan sa tapat ng Tutuban Mall. Hindi mapaalis-alis ng mga Brgy kasi may 20 pesos na butaw bawat tricyle, na sinisingil ng opisyal ng Brgy. 51, Tondo, Manila. Pati yung mga truck ng bigas na nagbaba sa gilid ng karsada ng Dagupan ay sinisingl din ito ng P500 bawat truck. Ang kumukuha nito ay taga- Brgy. 51 na tauhan ng opisyal ng barangay. Ang tserman po ng Brgy 51 ay si Bravo. Pakunan nyo nalang po ng video ang lugar, makikita nyo totoo lahat ng sinasabi kong ito. – Concerned citizen
Mga naghahanap ng
trabahador kuno, scam lang
Good day po. Paki-kalampag naman po itong naghahanap kuno ng mga trabahador dito sa Green Appele na nang scam lang po. Nakakaawa po kaming mga naloloko nila. – Concerned citizen
Mga kolorum na ‘habal-habal’ sa
Caloocan hawak ng MMDA at DPSTM
Good day po. Wala po bang magagawa ang HPG natin na mapaalis itong mga naglipanang habal-habal dito sa Bustamante st., Caloocan City? Hinahawakan po ito ng MMDS at DPSTM na sila ang mga nagpapapila dito. Pls lang paki-gawan naman ng paraan, kase kawawa ang mga pasahero natin na sumasakay sa mga kolurom. – Concerned citizen
The post ‘Timbre’ ng tricycle at truck sa Brgy. 51, Dagupan, Tondo, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: