INILUNSAD ng pamahalang lungsod ng Calapan ang mga prayuridad nitong programa para sa mga Senior Citizen at Persons with Disability (PWD).
Gintong Pag-asa Program ang bagong programa na inilaan ng pamahalaang lokal para sa mga nakatatandang mamamayan at mga may kapansanan sa lungsod kung saan masayang ibinalita ni Mayor Arnan C. Panaligan ang bagong benepisyo bilang karagdagang tulong medikal.
Ayon kay Panaligan, “Mahalagang programa ang ilulunsad ng pamahalaang lungsod para sa kalusugan ng mga pangunahing mamamayan at PWD. Isang programa na napapanahon at nagpapatunay ng kalinga at malasakit ng pamahalaan. Ito ang Gintong Pag-asa Program na kung saan dagdag benepisyo ang pagkakaroon ng mga bagong salamin sa mata.”
Dagdag pa ng alkalde, bukod pa ito sa mga libreng benepisyong medikal na ilang taon na rin na inilunsad tulad ng libreng MRI, CT-Scan, X-Ray, Ultrasound at iba pa gayundin ang libreng gamot bawat buwan para sa mga may kapansanan sa pag-iisip.
Walong optical clinic sa lungsod ang aagapay sa pamahalaang lungsod upang mabigyang serbisyo ng libreng salamin sa mata o kung hindi man-ay mabigyan ng malaking diskwento ang mga mamamayan na makikinabang dito.
Namahagi din si Mayor Panaligan ng City Health Card ID na mas kilala bilang Gold Card para sa mga bagong kasapi na senior citizen mula sa 45 barangay sa lungsod.
Sinabi ng punong lungsod na ang pondo para sa mga benepisyong pangkalusugan ay nasa P40- milyon kada taon at kaniyang ipapanukala sa konseho na sa susunod na budget hearing para sa 2022 Annual Investment Plan na nakatakda ngayong Mayo ay kaniyang imumungkahi na gawin na itong P50 milyon o higit pa upang marami ang makinabang para sa mga nangangailangan ng mga gamot at salamin sa mata.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, lunes miyerkules at biyernes 12:00noon-1:00pm sa DWXR 101.7 FM kalahi- Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post PWD at senior citizen sa Calapan, prayoridad ni Mayor Arnan Panaligan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: